Looking For Anything Specific?

Lola mangiyak-ngiyak matapos pababain ng isang taxi driver at tanggihan ihatid kahit na sa kasagsagan ng ulan

Isang Netizen ang nag magandang loob na tumulong sa isang mag-ina na basang-basa na dahil sa lakas ng ulan kahihintay ng masasakyan pauwi.

Ngunit nagulat ang tumulong na netizen na nakilalang si Mylbon Kylie arose Avila matapos pababain ang mag-ina sa taxi na kanyang kinuha para sakyan ng mga ito, dahil di umano ayon sa driver ay masisira daw ang makina nito kapag isunugod sa tubig dahil sa dala ng ulan.

Kung iisipin ay may kakayahang tumanggi ang driver kung ang nakataya ay ang kanilang kaligtasan.

Ngunit kung ang pasahero ay matanda na at kailangan talaga ng tulong ay hindi dapat tumatanggi ang isang taxi driver para na rin sa kaligtasan ng pasaherong may edad na.

Pero tulad ng kwento at pangyayari na nasaksihan ni Mylbon Kyllie Rose Avila na kahit nakasakay na ang kawawang mag-ina sa Taxi ay nagawa parin itong pababain ng driver dahil hindi daw papunta ang taxi driver ng Palayan kung saan magtutungo ang mag-ina.

Narito ang naturang post ni Mylbon Kyllie Rose Avila:

“So this happened earlier around 11:55AM sa may Super Metro doon malapit sa palayan. Galing kami sa McDo, nung pagtawid namin biglang bumuhos ang ulan.

Naghintay kami ng taxi then meron kami nakasabay na mag-ina, mga may edad na, tapos yung nanay nya matanda ng babae. Naawa kami kasi umuulan tapos mabagal maglakad yung matandang babae.

Kaya pinarahan namin sila ng taxi at pinasakay. Naiinip na kami kasi ang tagal nila umalis, tapos biglang bumukas ang taxi.

Pinababa sila at lumapit ako sa taxi, sus kaya pala sila pinababa ng taxi driver kasi hindi daw sya pupunta ng palayan kasi masisira daw yung makina kasi malakas daw yung tubig. Sinabihan ko yung driver na;

“Hindi ka na lang Sana huminto kung iyo lang palang papababain…”

Bumaba na lang tuloy yung matanda, maluha-luha na sinabi

“Magbabayad naman kami pero ayaw niya”

Haaay kuya driver, Panginoon na lang ang bahala sayo. Mabuti na lang may dumating na bagong taxi, pinasakay ulit namin yung mga matanda pero tinanong ko muna bago ko pinasakay. Kayo na ang mang husga Grrrr!!

Mayroon pa rin talagang mga tao na walang puso, sanay wag ito tularan ng ibang driver dahil balang araw baka tayo ang nangangailangan ng tulong ay wala din sa ating tumulong at tayo ay tanggihan din.

Kaya hanggat may kakayahan tayong tumulong ay gawin natin lalo na sa mga taong nangangailangan ng lubos.

Post a Comment

0 Comments