Looking For Anything Specific?

Angel Aquino, nadulas sa pagtatapos ng Ang Probinsyano matapos sabihing sasabak na sila sa ultimate last lock-in taping

Sa isang panayam, naibahagi ni Angel Aquino na nalalapit na ang huling lock-in taping ng Ang Probinsyano.

Labis ang pasasalamat ni Angel na naging parte siya ng longest running teleserye ng ABS CBN.

Binahagi nito na alam talaga ng Diyos ang kanyang pangangailangan lalo pa’t may mga anak siya.

Itinuturing na longest-running teleserye sa ABS-CBN ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na halos anim na taon nang umeere sa telebisyon.

At magpasa-hanngang ngayon nga na kahit wala ng prankisa ang Dos ay marami pa ring nakatutok sa Ang Probinsyano.

Ngunit marami rin ang nagtatanong kung kelan nga ba matatapos ang seryeng ito.

At tila nadulas si Angel Aquino na ibahagi na nalalapit na nga ang katapusan ng kanilang teleserye.

Ito ay nang maitanong siya ukol sa kaniyang trabaho sa panayam kay G3 San Diego.

Bukod kay Angel ay kasama din sa nasabing panayam ang Us Girls co-hosts niya na sina Iya Villania at Cheska Garcia-Kramer.

“After our last lock-in sa Probinsyano, let’s go, come on,” saad ni Angel.

Kaya naman biglang nagtanong si G3 ng “Wait, Angel, hanggang kailan pa ba ang Probinsyano, would you know?”

Pagbabahagi naman ni Angel, “WE’RE scheduled for our ultimate last lock-in.”

Ngunit agad na nilinaw ng aktres na hindi pa rin nila masasabi na ito na nga ang katapusan ng Ang Probinsyano.

 

Ani Angel, sa pagkakaalam niya ay sasabak na ang buong production team sa kanilang ultimate last lock-in.

Naka-ending mode na daw silang lahat pero di nila alam ang magiging desisyon ng ABS kung ie-extend pa ba ang show.

Angel Aquino, bℓσσming kahit single. Buhay single mom.

𝙼𝚊𝚍𝚊𝚖𝚒 𝚙𝚊𝚛𝚒𝚗 𝚑𝚞𝚖𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊 𝚜𝚊 𝚝𝚊𝚐𝚕𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊𝚑𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚘𝚍𝚎𝚕 𝚝𝚞𝚛𝚗𝚎𝚍 𝚊𝚌𝚝𝚛𝚎𝚜𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙰𝚗𝚐𝚎𝚕 𝙰𝚚𝚞𝚒𝚗𝚘 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚝 𝟺𝟾 𝚢𝚎𝚊𝚛𝚜 𝚘𝚕𝚍 𝚗𝚊 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚔𝚒𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚙𝚊𝚛𝚒𝚗 𝚗𝚊 𝚋𝚊𝚋𝚢 𝚏𝚊𝚌𝚎 𝚙𝚊𝚛𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚝𝚜𝚞𝚛𝚊.

Kinasal siya kay Ian Bernandez noong 1995 at naghiwalay sila pagtapos ng 9 years nilang pagsasama. Napawalang bisa ang kanilang kasal noong 2004 at nagkaroon sila ng dalawang anak na babae na si Iana na 27 years old at Thea Bernandez na 65 years old ngayong taon.

Kahit may sariling pamilya na ang kanilang ama ay hindi parin nawawala ang komunikasyon nila sa isa’t-isa at wala daw silang galit sa kanilang ama at sa bago niyang pamilya, sa katunayan ay malapit sila sa kanilang half brother.

2016 naman noong napabalitang may dine-date na Fil-Iranian engineer si Angel na si Farzad Pakdamanian pero hindi sila nagkatuluyan. Base sa IG ng aktres ay makikitang puro kasama lamang niya ang kanyang mga aso at anak sa kanyang mga larawan.

Nakilala si Angel sa iba’t-ibang programa at pelikula gaya nang Crying Ladies kasama sina Sharon Cuneta at Hilda Koronel.

Naging usap usapan din ang pelikulang Glorious nila ng aktor na si Tony Labrusca noong 2018. Ito ay tungkol sa isang 52 year old na babae na na-inlove sa mas bata sa kanya ng mahigit dalawang dalawang dekada.

The post Angel Aquino, nadulas sa pagtatapos ng Ang Probinsyano matapos sabihing sasabak na sila sa ultimate last lock-in taping appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments