Single Dad Na Nakapundar Na Ng Sariling Bahay, Naghahanap Ng ‘Ilaw Ng Tahanan”
Labis ang aliw ng madla sa lalaking ito na naghahanap daw ng “ilaw ng tahanan” matapos niyang makapagpundar nang bahay, lote at iba pang mga ari-arian. Hindi naman miatatangging single ang lalaki kahit pa mayroon na itong tatlong anak.
Isang nagngangalang Don Dizon sa socmed ang pinag-usapan, matapos nitong “i-flex” ang kaniyang tagumpay nang siya ay magkaroon na ng bahay at iba pang mga properties at naghahanap daw ng magiging ‘ilaw ng tahanan’ o sa literal na pagpapakahulugan ay isang asawa o ina ng kaniyang mga anak.
“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call ‘our very own’. Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay ‘to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman nag-uumpisa sa maliit,” saad nito sa caption.
“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking mga munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises to God because he is the greatest!” Tukoy nito sa kaniyang pangarap at inspirasyon.
Ngunit, pabiro niyang sinabi na siya ay naghahanap ng magiging katuwang sa buhay at ang magbibigay liwanag sa kaniyang bagong bahay at inilatag pa nga nito ang magiging benepisyo raw kung magiging ‘ilaw ng kaniyang tahanan’.
“Wanted: Ilaw ng tahanan, para lumiwanag na ang aking buhay at ang aming bahay. Budget monthly 15,000 pesos starting. Benefits-SSS, Philhealth at life insurance. May extra 5,000 pesos GCash pang-online shoppinh kapag laging malinis ang bahay. Kaya huwag puro heart, wave-wave din mga mars! Char lang mars, apply na!”
Malokong sabi niya ay huwag raw react lang ng react sa kaniyang post, bagkus magmensahe raw sa kaniya.
Marami namang netizens ang naaliw sa post na ito, sa tagumpay man na nakamtan nito o sa pabirong paghahanap nito ng ‘ilaw ng tahanan’.
Sa mga comments, madalas din ay pawang mga kababaihan ang nagku-komento, hindi malaman kung nagbibiro lamang ba o hindi.
“Hanap ka ng ilaw ng tahanan, Don. Marami namang emergency o solar light diyan hahaha literal pala eh no. baka maraming mag-aplay niyan, pila….,”turan ng isa.
Ethel Booba, Ipinasilip ang Napakagandang Resort na Katas ng Paghihirap Niya sa Showbiz
Isa si Ethel Booba sa mga pinakahinahangaang personalidad ngayon sa showbiz industry. Bukod sa pagiging stand up comedian, magaling rin na host si Ethel sa iba’t-ibang programa at show. Mas lalo siyang sumikat dahil sa kanyang mga tirada sa social media, kaya naman maraming netizens ang nahumaling sa nakakatuwang personality ni Ethel.
Dahil dito, nagsimula rin siya ng kanyang sariling Youtube channel. Sa pamamagitan ng kanyang vlog, mas lalong nakilala ng mga fans ang komedyante.
Aminado naman si Ethel na dahil sa kanyang 920k subscribers, unti-unti na rin siyang nakapag-ipon. Kaya sa kanyang latest vlog, ipinasilip ni Ethel ang kanyang naipundar.
Isa ito sa mga most requested videos ni Ethel, at sa wakas ay pinagbigyan na niya ang kanyang mga fans. Ipinasilip niya ang napakagandang resort na napundar niya mula sa kanyang mga pinaghirapan.
Ayon kay Ethel, ang malaking property niya na ito ay tinawag niyang ‘Casa Veranda.’ At siguradong mamamangha kayo sa ganda ng lugar na ito!
Talagang maaliwalas at nakaka-relax ang resort na ito. Napapaligiran ito ng mga naglalakihang puno at mga halaman. Ayon kay Ethel, isa siyang certified plantita kaya naman tuwing nagta-travel siya sa iba’t-ibang bansa ay bumibili rin siya ng mga halaman upang ilagay sa Casa Veranda.
Ang malawak na property ni Ethel ay mayroong sukat na 22-hectares. Mayroong iba’t-ibang amenities ang resort na ito. Kung nais mong mag-relax at magpalamig, pwede kang mag-swimming sa pool at jacuzzi. Maaari ka ring magpahinga sa viewing deck, kung saan matatanaw ang Mount Arayat.
Ayon kay Ethel, malaki ang pasasalamat niya dahil natutuwa siya sa naipundar niyang resort. Ibinahagi rin niya na nabili niya ang property na ito, at tuwang tuwa siya dahil talagang match na match sa kanyang personality ang lugar.
Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Tignan: Pasilip Ni Alex Gonzaga Sa Pinapagawa Nilang Mansion Ni Mikee Morada
Inilahad ng aktres na si Alex Gonzaga na hindi nila minamadali ang pagpapagawa sa kanilang bagong bahay sa Batangas.
Ang bahay at ang kinatatayuan nito ay regalo raw ng mga magulang ni Mikee noong ikasal ang dalawa.
Mahigit 30 taon na ang bahay at lupang ito, kung kaya naman napagdesisyunan nang dalawa na i-demolish at baguhin na ang disenyo ng bahay.
Noon lamang ngang ika-11 ng Disyembtre, 2020, ipinasilip ni Alex sa kaniyang vlog sa YouTube Channel niya ang nangyayaring konstruksyon ng kanilang pinapangarap na bahay.
Natanggal na ang mga dating disenyo ng bahay noong mga panahong iyon pati na rin ang ibang bahagi nito; mga pader, pinto, bintana at iba pa.
Sa isang press launch para sa Shopee’s 5.15 PayDay Sale na ginanap noong Sabado, ika-8 ng Mayo, ibinahagi ni Alex ang mga nagaganap sa kanilang ipinapagawang bahay at ibinunyag ang nais nilang disenyo rito; modern Mediterranean.
“We have already the architect, the interior designer, the contractor which is Mommy Pinty,”saad nito sa panayam.
Naaantala rin daw ang kanilang pagpapagawa; na hindinaman maiiwasan dahil sa pandemya.
“Ano na lang po kami, we’re just waiting. Siyempre po nagkapandemic so medyo natagalan po talaga iyong approval,” paliwanag nito.
“Tapos nag-ECQ po recently so we’re just waiting for the approval of the village. And then after, permits. Sa munisipyo po iyong next pa naming. E, since nag-ECQ, nag-close po iyong mga offices kaya medyo matagalan pa.”
Noong tinanong naman ang aktres kung nagsisimula na ba siya sa pa-unti-unting pagbili ng mga kagamitan para sa bagong bahay, sinagot ito ni Alex, “Hindi pa po ako kasi nasa bahay lang po ako ni Mommy.”
“Kasi kapag may darating dito na may bibilhin akong ano, ang laging sasabihin ng Mommy, ‘O pag umalis ka hindi mo na dadalhin iyan,” sabi pa nito.
“So kapag bumibili ako, tinatago ko. Para hindi niya makita kasi mado-double iyong bili ko. Kaya as much as possible, hindi po muna ako bumibili ng anything na magagamit sa bahay.”
Pansamantalang tumutuloy ang mag-asawa sa bahay ng pamilya ni Alex sa Taytay, Rizal habang hindi pa natatapos ang pagpapagawa ng kanilang bahay.
0 Comments