Maraming netizen ang humanga sa isang Food delivery man mula sa bansang Thailand dahil sa pagmamahal nito sa kanyang trabaho.
Dahil para sa rider wala sa kanyang makakapigil kahit pa mahabang ilog ay kanyang tatawirin maihatid lamang ang order ng kanyang customer.
Dahil ayon sa aming nakalap na impormasyon, umorder umano ng pagkain sa Food Panda ang isang grupo ng mga mangingisda na nasa Bang Pakong River sa Chachoengsao, Thailand.
Ang naturang order ay nakuha ng rider na si Tanyapisit Eiamkitajakarn. Ngunit napaisip ang rider ng malaman na ang kanyang mga customer ay nasa gitna ng ilog. Paano nga kaya ito maihahatid ng Rider?
Subalit kahit mahirap ang sitwasyon , hindi pa rin nag dalawang isip ang rider at agad agad siyang kumuha ng isang maliit na bangka at siya mismo ang nagsagwan patungo sa destinasyon ng kanyang mga customer.
Habang papalapit ang rider sa mga mangingisda upang ihatid ang order ng mga ito ay manghang-mangha lahat ang mangingisda sa rider dahil habang nagsasagwan pa ito ay soot nito ang kanyang helmet.
Nakunan naman ang rider na nagsasagwan ng isa sa mga umorder na mangingisda na si Pradit Saengdee. Kaya naman agad agad niya itong ibinahagi sa social media.
Narito naman ang naturang post ni Pradit sa social media.
“Food Panda now has marine delivery service”, to the Foodpanda of Chachoengsao. Riding a motorbike is outdated. Let’s paddle a boat. This is the new frontier for food delivery”.
Ayon naman kay Pradit na siya mismong umorder sa Food Panda. Nang siya daw ay umorder ay nasa tabi palang daw siya ng ilog ,ngunit habang kanyang hinihintay ang naturang order ay naisipan niya munang mamangka.
Ngunit ng malapit na daw ang lokasyon ng rider ay tumawag ito sa kanya at laking gulat niya na kilala siya ng rider.
Kaya naman kahit nasa gitna pa daw ng ilog si Pradit ay hindi naging problema ito sa rider at inihatid ito sa kanila gamit ang bangka.
Matagumpay naman na naihatid ng rider ang naturang order ng mga mangingisda. Samantala dahil sa post naman na ito ni Pradit ay anging instang celebrity ang rider.
Marami ang sa kanya ay humanga dahil sa ipinakita nitong dedikasyon at pagmamahal sa kanyang trabaho.
Tunay naman na talagang malaki ang naitutulong ng mga delivery Rider sa atin lalo na sa panahon ngayon na may kinahaharap tayong pandemiya.
Dahil sa kanila ay nakakaiwas tayo na lumabas ng bahay at mabawasan na mahawa sa kumakalat na sakit. Kaya naman para sa lahat ng Deliver Rider diyan Saludo po kami sainyo MABUHAY KAYO!!
Source: World of Buzz
0 Comments