Nanganak na ang vlogger na si Zeinab Harake sa baby girl nila ni Skusta Clee na pinangalanan nilang Baby Bia.
Isa sa mga first-time mommy ngayong 2021 ay ang social media influencer na si Zeinab Harake. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nasilayan na rin ni Zeinab ang kanyang baby! May 1 nang isilang ng Youtube vlogger ang kanyang first baby sa boyfriend na si Skusta Clee via cesarean section.
Nauna na si Skusta na ibahagi sa kanyang vlog ang pinagdaanan nilang proseso bago nila salubungin ang kanilang Baby Bia.
Wala namang komplikasyon at ligtas na naideliver ni Zeinab ang kanyang baby.
Ayon kay Daryl, noon ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya at todo-pasasalamat siya dahil hindi siya sinukuan ni Zeinab.
At sa kanya namang latest vlog, ibinahagi naman ni Zeinab ang kanyang pregnancy journey.
At pati na din ang panibagong buhay niya bilang first time mommy.
Sa kanyang video ay ibinahagi niya ang mga panahon nang unang buwan pa lamang ng kanyang pagbubuntis.
Kalakip din dito ang kanyang mga check-ups at ang mga paraan kung paano niya inalagaan si Baby Bia habang nasa sinapupunan pa lamang niya ito.
Kasama din dito ang video kung saan una nilang inamin sa publiko ang kanyang pagbubuntis.
Naging emosyonal dito si Zeinab dahil ito daw talaga ang kanyang pinapangarap.
Kasunod din nito ang napakasayang baby shower na ginanap sa isang beach kasama ang kanilang mga malalapit na kaibigan.
Binahagi din ni Zeinab na kaya naging C-section ang proseso ng kanyang panganganak ay dahil sa ibang kumplikasyon.
Kinailangan pa diumanong maghanda ng dalawang bag ng dug0 dahil mababa ang kanyang blood pressure.
Sa huli ay di mapigilan ni Zeinab ang maiyak dahil sa kasiyahan na dulot ng pagdating ni Baby Bia sa kanilang buhay.
Read also:
Bagong silang na sanggol nina Zeinab Harake at Skusta Clee, binatikos ng ilang netizens kahit wala pa itong muwang sa mundo.
The post Zeinab Harake, emosyonal na ibinahagi ang naging pregnancy journey at successful na paglabas ni Baby Bia. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments