Para sa tuluyang pagbabago, Jayzam Manabat may handog na kanta para kay Camille Trinidad.
Halos ilang linggo ding naging usap-usapan ang couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad.
Nag-umpisa ang lahat dahil sa isang graphic designer na di-umano nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa pagitan ng Jamill.
Sumunod dito ay naglabasan na ang mga isyung pinakatago-tago nila.
Pati na din ang isang Glam Team na di-umanoy hindi sinipot ng magkasintahan sa di malamang dahilan ay nagreklamo na din sa Tulfo laban sa Jamill.
Hanggang sa nabuking na nga ang pangbababae ni Jayzam.
Nahuli ni mareng Camille na ilang babae pala ang naging kaharutan ni Jayzam habang sila ay may tampuhan.
Hanggang sa umabot pa nga ang isyung ito sa programa ni Idol Raffy Tulfo.
Inakala ng karamihan na dahil dito ay iiwan na ni Camille si Jayzam ngunit hindi ito ang nangyari.
Pero tila mas lalo pang tumibay ang kanilang pagsasamahan dahil dito.
Nakaraan nga ay naglabas sila ng vlog tungkol sa kanilang “Bagong Simula”
Kung saan pinag-usapan nila ang tungkol sa pagtatanan kasama ang kanilang mga magulang na nagbahagi din ng kanilang mga karanasan.
Ipinakita din nila dito ang kanilang pinagkaka-abalahan sa araw-araw at ito nga ay ang bible sharing.
Sinabi din dito na itutuloy daw nila ang usapin tungkol sa kasal.
Ipinakita din sa nasabing vlog ang kanilang mga ginawa noong hindi pa lumalabas ang mga isyu tungkol sa kanila.
At para naman sa kanilang latest vlog, isang rap song ang nabuo diumano ni Jayzam na alay niya para sa paparating na kaarawan ni Camille.
Ginawa daw niya ito na galing sa kanyang puso.
Sa tema ng kanyang kanta ay pinaparating na kung gaano siya nagpapasalamat na may isang Camille sa kanyang buhay.
Bahagi ng nasabing kantang ang linyang “Ikaw pa rin hanggang sa huli.”
Read also:
Camille Trinidad, inireklamo ng isa sa mga hinihinalang babae ni Jayzam Manabat sa Raffy Tulfo dahil sa pag-post ng mga larawan nito sa facebook!
The post Jayzam Manabat, gumawa ng rap song para sa girlfriend na si Camille Trinidad kasama sa kanyang pagbabago ngayon. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments