Looking For Anything Specific?

John Lloyd Cruz at Andrea Torres, usap-usapang magsasama sa isang sitcom na pinaplano ni kuya Wil

 

Naging usap-usapan nga ang showbiz comeback ni John Lloyd Cruz na unang mapapanood sa Kapuso Network.

 

 

Sa mga naunang report, kinumpirma ng GMA-7 na makakasama ni Willie Revillame si John Lloyd bilang guest sa Wowowin.

 

 

Kinumpirma na ito ng GMA Network sa kanilang social media post.

Sa nasabing post, ibinahagi ng GMA na malapit nang muling masilayan ng mga fans si Lloydie.

 

 

Sa naturang post, makikita si John Lloyd kasama ang Wowowin host na si Willie Revillame at si Direk Bobot Mortiz.

“Nagkita sina #Wowowin host Willie Revillame, Direk Bobot Mortiz, at ang aktor na si John Lloyd Cruz… At mukhang may dapat abangan soon!” ayon sa post.

 

 

Marami naman ang nagulat ukol dito, dahil kilala si John Lloyd na nagsimula sa Kapamilya Network.

Pero mas marami ang excited sa kanyang muling pagbabalik.

 

 

Ngunit patikim lamang pala ang pag-guest ni Lloydie sa show ni Kuya Wil.

 

 

Dahil may mas malaking proyekto palang niluluto si Willie para kay John Lloyd at kasama pa si Andrea Torres.

 

 

Ayon sa report ng PEP.ph, ibinahagi ni Willie ang pagpirma ni John Lloyd ng kontrata sa ilalim ng kanyang production company.

Naganap ang pirmahan kagabi, May 29, sa H Bar ng Wil Tower Mall sa Quezon City.

 

 

Ibinahagi din ni Kuya Wil na ipinag-paalam daw niya si Lloydie kay ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak.

 

 

Kinausap niya ito tungkol sa sitcom na plano niyang gawin na makakasama nga si Lloydie at Andrea.

 

 

Pinayagan naman daw umano ni Katigbak si John Lloyd at inilarawan pa ni Willie na napakabait.

 

 

Personal daw niya itong tinawagan upang magbigay lang din ng respeto dahil ito ang namumuno sa home network ni Lloydie.

 

 

Paniguradong aabangan ang sitcom na ito dahil kay Andrea at John Lloyd.

 

Dahil ang mga ex nila ngayon ay nagsasama na.

Larawan ni John Lloyd Cruz kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto na nakasakay sa Hilicopter umani ng maraming reaksyon ngayon

A good example of a father figure.

Tila ganito ilarawan ng mga netizens ang A-List actor na si John Lloyd Cruz.

Kamakailan lang ay namataan si John Lloyd sa Puerto Galera, sa beach resort na pagma-may-ari ni Willie Revillame.

Kung saan kasama niya din ang mga premyadong direktor at producer na sina Bobot Mortiz, Cathy Garcia Molina at Malou Santos.

Na mas lalong nagbigay excitement sa kanyang mga fans dahil sa muling pagbabalik niya sa industriya ng showbiz.

Tila may niluluto na daw agad na proyekto para sa kanyang showbiz comeback.

Ngunit mas kinagiliwan ng mga netizens ang litrato kung saan kasama ni John Lloyd ang kanyang anak.

Viral nga ngayon online ang litrato nila ni Elias Modesto kung saan nakasakay sa helicopter ang mag-ama.

Sa nasabing litrato makikitang nakayakap si John Lloyd kay Elias habang cute na cute na naka-smile naman sa camera ang kanyang anak.

Hindi man malinaw kung saan pupunta ang mag-ama, hinid maiwasan ng mga netizens na maging masaya sa bonding nila.

Kung matatandaan sa mga nakaraang panayam ni Ellen Adarna, inilarawan niyang “present father” si John Lloyd sa kanilang anak.

Inulan naman agad ng maraming reaksyon ang litrato nina John Lloyd at Elias.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“good job lloydi mahirap na ibang ama ang kilalanin ng anak mo pogi pa naman! enjoy your time”

“atlest hnd ni pinag damot ni ellen ang anak nya sa tatay yong ibq kac pinag damot yong anak”

“ang sweet naman ng mag-ama”

“Happiest John Lloyd with his own son Elias, I can see his glowing eyes and I can feel his loving heart as a father.”

Sa panayam naman ni John Lloyd sa Radyo Kidlat 98.3 FM noong Sabado, May 16, inilahad niya na utang niya ang kanyang bu’hay sa kanyang anak.

Viral ang larawan ni John Lloyd Cruz na kasama sina Direk Cathy Molina at Direk Bobot ngayon sa beach resorts ni Willie Revillame sa Puerto Galera

May niluluto na nga ba agad na new project para kay John Lloyd Cruz?

Matapos ang official announcement ng Crown Artist Management, kumpirmado na ang pagbabalik ni John Lloyd sa industriya ng showbiz.

Ang Crown Artist Management ay ang bagong pagmamay-ari ni Maja Salvador.

Ilang araw lamang ang lumipas, nag trending agad si John Lloyd dahil madami sa kanyang fans ang naghihintay sa kanyang pagbabalik.

Ngayon nga, spotted ang award winning actor kasama ang dalawa sa magagaling na direktor, maging ang producer ng Star Cinema.

Sa mga larawan na naka upload sa official Facebook account ni Sam Versoza ng Frontrow, mahihinuhang na sa beach sila.

Kasama niya sina John Lloyd Cruz, mga magagaling na direktor na si Cathy Garcia Molino at direk Bobot. Makikita din sa larawan ang isa sa mga producer ng Star Cinema na si Malou Santos.

Bukod sa kanila, ang TV host na si Willie Revillame ay present din.

Wala naman nabanggit si Sam kung may kinalaman ito sa upcoming projects kasama so John Lloyd at iba pang na sa larawan.

Agad naman nanghinuha ang mga fans ni Lloydie na baka raw may project comeback ang idol nila.

Si Direk Cathy Garcia Molina ay ang direktor ng maraming box office hits movies. Siya din ang direktor ng iconic movie ni Popoy at Basha na One More Chance.

Habang si Direk Bobot Mortiz naman ay kilala din bilang mahusay na direktor.

Kaya naman kung sakaling may ginagawa man silang project, tiyak na magiging maganda ito.

Magsasama sama nga ba ang magagaling na direktor at aktor na ito iisang proyekto?

The post John Lloyd Cruz at Andrea Torres, usap-usapang magsasama sa isang sitcom na pinaplano ni kuya Wil appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments