Siguro maraming mga Pinoy viewers ang namangha o di kaya ay nagalit habang pinapanood ang pagiging kontrabida ng 30 anyos na Kapamilya actress na si Cristine Reyes bilang si Katrina De Leon-Salvador sa serye na “Nang Ngumit ang Langit.”
Ginawa din ng aktres lahat ng kaniyang makakaya para lamang magampanan ang papel bilang Kontrabida ng serye.
Marami naman sa ating mga netizens ang nagulat na makitang maging emosyonal si Cristine Reyes sa kaniyang naging guesting kamakailan lamang sa late-night talk show na “Tonight With Boy Abunda.” Ang aktres ay nandoon upang i-promote ang kaniyang padating na pelikula na “Untrue” kasama si Xian Lim.
Matapos magbigay ng ilang pangunahing impormasyon tungkol sa nasabing pelikula, tinanong ni Boy Abunda si Christine kung maaari pa siyang magbahagi ng mas malaking konspeto ng pelikula,
“Ang tema ng pelikula is “not all love is true”, paliwanag mo nga.”
Sinagot naman ito ng aktres at sinabing,
“Basing on the film, yes. Well, number one kapag nag-start ang pagmamahalan sa kasinungalingan dahil ayaw natin na masira tayo sa taong gusto natin, itatago natin yun mga bagay na alam natin na ikakasira natin sa kanya.
“Ibig sabihin, mahal mo, mas mahal mo sarili mo kesa dun sa tao kasi mas pinili mo na pagtakpan yung kasinungalingan na yun kesa maging tapat ka dun sa taong mahal mo. Dahil ang totoong taong nagmamahal, dapat tapat ka.”
Matapos marinig ang mga salita kay Cristine, nagtanong ulit an King of Talk na may kaugnayan sa kaniyang sariling karanasan na kapareho ng tema ng pelikula. Inamin naman ng aktres na naranasan na niya ito ng maraming beses.
“Marami na. Marami na akong na-encounter na nag-sinungaling. Iba’t ibang rason, Tito Boy.”
Tinanong ulit siya ng sikat na host kung itinuturing niya ba ang kasinungalingan bilang isang parte ng pagtataksil na kung saan sinagot niya ito at sinabing,
“Yes. Dapat ano, dun pa rin ako sa honesty. Mahirap pagkatiwalaan ang taong nagsisinungaling.”
Matapos iyon, ay naging emosyonal na si Cristine at umiyak. Pinalitan naman kaagad ni Boy Abunda ang usapin at tinanong siya tungkol sa kaniyang anak na si Amarah na kung saan binahagi ng aktres na sa tuwing siya ay umiiyak, tinatago niya ito sa kaniyang 4 na taong gulang na anak dahil nais niya na makita ni Amarah ang isang ina na matatag at handang pumrotekta sa kaniya.
Mabilis namang kumalat sa SocMed ang naging interview sa Kapamilya aktres at ito ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Maalala na ang mayroong spekulasyon na nagsimula noong Abril nakaraang taon na mayroong naging problema sa pagsasama ni Christine Reyes at Ali Khatibi matapos maiulat na ang aktres ay in-unfollow ang kaniyang asawa sa kaniyang Instagram account.
Ngunit makalipas ang ilang buwan ng kaniyang pagiging tahimik tungkol sa tunay na estado ng kanilang pagsasama ng kaniyang asawa, napagdesisyunan ng aktres na ayusin at linawin na ang mga bagay tungkol sa kanilang relasyon.
“We’re civil. We’re in good terms, especially with things we have to do when it comes to Amarah.”
Kilalanin Ang Napakagandang Ina Nina Ara Mina At Cristine Reyes Na Dating Beauty Queen
Marami na masyado ang problema ng ating mundo kaya irefresh natin saglit ang ating mga utak dahil mag #throwbackthursday tayo ngayon.
Ang #throwbackthursday ay isa sa nauso ngayon sa panahon ng millenials. Ginagawa ito ng karamihan sa ngayon upang maibahagi ang nangyari sa kanila ng matagal na panahon. Ipinopost nila ang lumang litrato sa socmed at ibinabahagi ang istorya sa likod ng larawang kanilang ipopost.


Ipinost nila ang litrato ng kanilang ina na si Venus Imperial noong kinoronahan siya bilang Mutya ng Pasig noong 1967.
Base sa litrato ay ito na lang ang isa sa pinakalumang picture na naitago at naisalba nila dahil ang iba ay tinangay ng Typhoon Ondoy kaya naman napakaimportante sa kanila ang nasabing litrato.


Narito ang caption ni Ara Mina sa kanyang naturang post.


The post Bakit Nga Ba Naghiwalay Sina Cristine Reyes At Asawang Si Ali Khatibi? appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments