Looking For Anything Specific?

Netizens, napansin ang pagiging blooming at pagmumukhang bata ngayon ni Jennica Garcia

Marami ang nakapansin na blooming at fresh ang dating ngayon ni Jennica Garcia.

Matapos nga ang ilang taong pamamahinga sa showbiz ay balik nang muli sa pag-arte si Jennica Garcia.

Nang mga nakaraang taon kasi ay naging abala ang aktres sa kanyang buhay may pamilya.

Ngunit nito lamang nagdaang buwan ay umugong ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Kinumpirma naman ito ng anak niJean Garcia sa kanyang panayam sa GMA News.

At ilang araw lang ang nakalipas matapos ang kumpirmasyon na ito ay balik showbiz na nga si Jennica.

At sa kanyang pagbabalik ay maraming netizens ang nakapansin na mas blooming at fresh daw siya ngayon.

Tila mas hiyang daw ang aktres matapos mahiwalay sa kanyang asawa.

Ito nga ang napansin ng marami nang ibahagi ni Jennica ang kanyang morning look sa lock-in taping ng kanyang bagong proyekto.

Ang GMA drama series na “Las Hermanas” kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdy, Albert Martinez, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.

 

“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” saad ng aktres sa kanyang caption.

Ilan pa sa mga litratong ibinahagi ni Jennica ay nang ipagdiwang ang 3rd birthday ng kanyang anak.

 

Ilan sa komento ng mga netizens sa kanyang litrato ay bumata daw tignan ang aktres.

Mas bagay daw umano ang kanyang looks noon kumpara noong mga nakaraang taon.

Marami din ang sumuporta sa aktres sa kanyang pagbabalik showbiz.

Alwyn Uytingco, sumabog ang emosyon, matapos ang balitang hiwalayan nila ng asawang si Jennica Garcia

Ipinahayag ni Alwyn Uytingco ang pagmamahal niya sa asawang si Jennica Garcia.

Ito ay matapos kumpirmahin ng aktres ang kanilang hiwalayan kamakailan.

Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumabas ang balita tungkol sa pinagdadaanang problema nilang mag-asawa.

Nag-post si Awyn Uytingco ng litrato ng kanyang misis na si Jennica Garcia.

Kalakip ng litrato ay ang caption ng aktor kung gaano niya kamahal ang asawa.

Aniya, marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya maipaliwanag sa mga simpleng salita lang.

Sinabi din niya na laging tandaan ni Jennica na kahit ano pa man ang mangyari ay mahal na mahal niya ito.

“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco” saad ng aktor.

Agad namang pinusuan ng kanilang mga kaibigan sa indutriya ang post na ito ni Alwyn.

Kabilang na nga dito ay sina Hayden Kho, Jerald Napoles, Say Alonzo, Nikki Valdez, Empoy, at Jason Abalos.

Matatandaan na sa nakalipas na buwan ay naging maugong nga ang balitang hiwalay na sina Jennica at Alwyn.

Nag-ugat ito nang palitan ni Jennica ang kanyang apelyido sa kanyang mga social media accounts.

Kasunod naman ay ang panayam ng aktres kay Cristy Fermin kung saan kinamusta ng huli ang lagay ng mag-asawa.

Ngunit tumanggi si Jennica na sagutin ito at sinabing hindi pa siya handa.

Sa exclusive interview naman ni Jennica sa GMA nakaraang buwan ay kinumpirma na nga niya ang kanilang hiwalayan.

Ngunit hindi naman siya nagbigay ng iba pang detalye ukol dito.

The post Netizens, napansin ang pagiging blooming at pagmumukhang bata ngayon ni Jennica Garcia appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments