Looking For Anything Specific?

High School Graduates, Pwedi Nang Mag-Apply As Cabin Crew/Flight Attendant

Isa ka rin ba sa mga nagnanais na maging Flight Attendant o FA? Kung oo, isa itong magandang balita para sa iyo.

Ayon sa anunsyo, mayroon ng ilang airline companies ang tumatanggap ng applicants bilang FA kahit nakapagtapos lamang ng high school.

Ang maging isang Flight Attendant ay isa sa mga trabaho na pinapangarap ng karamihan, lalo na ang mga kababaihan. Ilan sa kanila ay dahil ninanais na makapaglibot o makapag-travel sa ibat ibang parte ng mundo. Bilang isang Flight Attendant, hindi naman talaga malabong makapunta ka sa ibat ibang destinasyon o ibat ibang lugar kung saan lalapag ang eroplano na iyong sinasakyan.

Ang mga Flight Attendant ay isa sa mga naninigurado ng kaligtasan ng bawat pasahero sa eroplano. Trabaho nila na masigurong komportable ang mga pasahero sa pagbabyahe at matugunan ang bawat pangangailangan ng mga ito.

Sa tuwing mayroong sakuna, sila din ang isa sa mga unang nagpapakalma sa mga pasahero. Sinisigurado din nila na sumusunod ang mga ito sa panuntunan ng Federal Aviation Adminsitration.

Kung noon ay kailangan mo pa magkaroon ng diploma ng kolehiyo o di kaya makapagtapos ang isang indibidwal ng isang dalawa o apat na taong kurso sa kolehiyo at sumabak sa matinding training upang maging isang ganap na Flight Attendant.

Ngunit, ayon sa anunsyo ng isang socmed page na Becoming a Flight Attendant, mayroon na ngayong mga airlines ang tumatanggap ng mga aplikante na nais maging Flight Attendang kahit sila ay nakapagtapos lamang ng high school.

Ang nasabing socmed page din ay naglabas ng listahan ng mga airlines na tumatanggap ng mga aplikanteng high school graduate. Maraming indibidwal ang nagnanais na maging Flight Attendang dahil tinuturing na din ito bilang isa sa mga pinakamagandang trabaho bukod sa libreng byahe sa ibat ibang lugar.

Ang pagkakaroon ng height o tangkad na karawaniwan ay hindi bababa sa 53 ay isa sa mga qualifications ng ilang airlines. Bukod pa diyan, requirement din ang pagkakaroon ng maayos na ngipin at presentrableng mukha.

Syempre, ang timbang ng isang Flight Attendant ay dapat nakatugma sa kanilang tangkad. Dapat din ay maganda ang ngiti na nakakatawag ng pansin.

Mayroon namang ilang airlines na tumatanggap lamang ng aplikante na hindi lalagpas sa edad na 27. Syempre, hindi mawawla ang pagkakaroon ng mature na pag-iisip at positibong pag-uugali.

Ang komunikasyon ay isa din sa mga mahahalagang bagay na dapat mayroon ang isang Flight Attendang. Dapat din ay magaling sila sa wikang English sa parehong pagsulat at pagsalita.

Kahit pa man madami ang requirement na kailangan ipasa upang maging isang Flight Attendant, tiyak naman na lahat ng ito ay magiging worth it at ang sahod na kanilang matatanggap ay malaki din.

Ayon sa DOLE o Department of Labor and Employement, ang sweldo ng isang Flight Attendant ay umaabot ng Php18,000 hanggang Php26,000 kahit sila ay nagisisimula pa lamang. Maaari pa itong tumaas hanggang Php36,000 hanggang Php54,000 kapag sila ay tumagal.

Maliban sa maayos na pasahod, mayroon ding mga incentive na ibinibigay ang kumpanya para sa Flight Attendant.

Kaya hindi na din nakakapagtaka kung bakit maraming nangangarap na maging isang Flight Attendang kahit pa man marami at mahirap ang proseso na kailangan nilang pagdaanan. Hindi naman nga kasi matutumbasan ang kasiyahan na makapunta o makapasyal sa ibat ibang bansa bilang trabaho at ng libre at maganda pa ang pasahod na ibibigay sayo.

10 Sikreto Na Di Sinasabi Ng Mga Filght Attendants Sa Mga Pasahero

Kung kayo ay sumasakay sa eroplano, marahil hindi lingid sa inyo na mayroong sampung sekreto ang mga flight attendant o ang tawag sa tagalog ay istuward. Kung sabagay, magkaiba ang pananaw ng mga eto kumpara sa mga tulad nating pasahero.

Kadalasan, hindi sinasabi ng mga flight attendant ang mga dapat malaman ng mga pasahero. Pero ano-ano nga ba eto? Eto ba ay dapat nating malaman? Oo, dapat natin etong malaman sa kadahilanang eto ay ating karapatan.

Ano-ano nga ba ang mga sekretong eto?

* Pwedeng Humingi ng Dagdag na Pagkain

Kung hindi nyo pa eto alam, ang mga pagkain na inihahain sa inyo ng flight attendant ay hindi katulad ng mga pagkain na nabibili natin na pwede imbakin. Sa madali’t sabi, ang mga eto ay dapat kainin sa loob lamang ng maikling oras sa kadahilanang ang mga eto ay naihanda na bago pa dumating sa eroplano.

Sa dagdag impormasyon pa, ang mga pagkaing eto ay tinatapon agad-agad pahkalapag mismo ng isang eroplano o pagkatapos ng isang rota. Minsan, ang mga sobrang pagkain na eto ay kinakain na lamang ng mga tauhan ng eroplano. Kaya dapat tayong huminingi ng pagkain sa filght attendant kung tayo ay nagugutom pa pag tayo’s ay sumakay sa eroplano. At pinakaimportante, wag na wag tayong mahihiya.

* Seguradohing may Lifevest sa Ilalim ng Upuan Bago Lumipad ang Eroplano

Nakakapagtaka pero eto ang katotohanan na ang ibang pasahero ay kinukuha eto para maging isang souvenir. Hindi mo eto lubos maisip dahil ang bagay na eto ay Malaki sa inaasahan pero talgang ngyayari eto. Pero babala lamang na wag gawin eto dahil pag nahuli kayo ng flight attendant ay seguradong magkakaron kayo ng multa. Ugaliing tignan agad at hanapin ang life vest para makatitiyak kayo na hindi eto nanakaw o nawala.

* Wag Manigarilyo kahit na may Ashtray

Marahil nagtataka kayo sa sekretong eto kasi alam naman nating hindi pinapayagan ang paninigarilyo sa loob ng eroplano. Tama, bawal eto. Pero kung napapasegarilyo kayo ay meron ashtray para dito at eto ay matatagpuan sa palikuran. Sa totoo lang, nilagyan nila ng ashtray dito kahit alam naman nilang bawal ang paninigarilyo sa loob. Kaya kung ikaw ay nasa loob ng palikuran na eto at gusto mong manigarilyo, gamitin ang ashtray at bayaran na lang ang multa.

* Magdala ng Sariling Gamit

Kung hindi nyo pa alam, ang isang eroplano pagkatapos ng isang byahe ay nagpapakitang naglilinis. Ang mga kumot at unan na ginagamit ninyo at ng mga nauna pang pasahero ay hindi nilalabhan. Eto ay iniaayos lang muli ng mga tauhan at tinutupi. Bukod dito, gayon din ang mga food trays at seat trays, hindi eto nahuhugasam. Ang karamihang airlines ay pinupunasan lamang eto. Hindi mo rin malalaman kung ang psahero bago ikaw ay nag-suka. Kaya mas maigi na lang na magdala ng sariling kumot at unan.

* Ang Pinto ng Palikuran ay Nabubuksan Mula sa Labas

Tandaan lagi na ang lahat ng crew ng eroplano ay may kanya-kanyang susi ng palikuran para mabuksan ang pinto neto kung sakaling makulong ang pasahero. Karamihan ng eroplano ay may mekanismo na agad nagsasarado ng pintuan na nakalagay sa ilalim ng ssign board na “no smoking.”  Kung iyong itataas ang board sign na eto at inikot ang knob, tiyak na magbubukas eto.

* Magpahuli ng Sakay

Kung papapiliin ang mga pasahero, meron talagang gusting mauna sa pagsakay. Pero kung gusto mong mamili ng upuan, maari lamang na magpahuli. Sa pagpasok ng lahat ng pasahero, agad na magsasara ang pinto ng eroplano. Pero hindi nangangahulugang dapat ka umupo sa seat number na nakasulatsa ticket mo; maari kang mamili kung ikaw ang pinakahuling sasakay.

* Iwasang Uminom ng Alc0h0l Bago Bumyahe

Agad inihahayag ng mga flight attendant na ang alc0h0l sa himpapawid habang bumabyahe, ay dalawang beses ang epekto kumapara pag ikaw ay nasa baba. Totoo eto sa kadahilanang ang daloy ng ating dugo ay naapektohan ng distansya natin mula sa lupa.

* Iwasang Umupo sa Bulkhead Seats

Kung makakakita kayo ng mga upuan sa eroplano kung saan meron etong naghahati ng mga section, wag nyo etong upuan. Ang ganitong upuan ay kailangang-kailangan ng mga pasaherong may dalang mga sanggol. Ang upuan na eto ay sinadyang gawin para madaling mapaupo ang mga sanggol para sa kanilang seguridad na kaligtasan. Kaya wag na wag etong upuan kung ikaw ay wala namang dalang sanggol.

* Uminom Lamang ng Naka-Boteng Tubig

Napagalaman sa isang Journal ng wall street noong 2002, ng eto’y matagpuang sobrang dami ng bakterya. Ayon sa ulat, doble ang dami ng bakterya na matatagpuan sa tubig galing sa eroplano ikumpara sa normal netong basehan. Kaya pinapayohan ang mga pasahero na mas mabuting magdala ng sariling tubig kesa uminom ng galing doon.

* Iwasang Pumalakpak Pagkatapos ng Byahe

Hindi maiwasang magalak ang mga pasahero lalong lalo na kung makikita nila ang runway ng eroplano sa pag landing neto sa kadahilanang makakauwi na sila na ligtas o di kaya ay masisilayan na nila ang kanilang pupuntahan. Pero eto ay hindi dapat gawin sapagkat maaring ang kilos na eto ay maka-insulto sa mga tauhan ng eroplano. Sa kadahilanang eto ay trabaho ng mga tauhan at hindi nila eto itinuturing na laro.

The post High School Graduates, Pwedi Nang Mag-Apply As Cabin Crew/Flight Attendant appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments