Tila hindi na napigilan ng aktres na si Jean Garcia na komprontahin ang kanyang manugang na si Alwyn Uytingco.
Si Jean Gacia ay ina ng dating misis ni Alwyn Uytingco na Jennica Garcia.
Matatandaan na ilang buwan ng usap-usapan sa social media ang naging hiwalayan ng dalawa.

Ito ay kinumpirma mismo ni Jennica sa panayam niya sa GMA-7.

Matapos ang kanyang kumpirmasyon ay bigla naman nagpost si Alwyn ng mensahe para sa kanya.
Sinundan pa ito ng mensahe naman ng aktor para sa kanyang mga anak at ang huli ay ang pagsusumamo sa kanyang asawa.
Sa unang post ni Alwyn ay tila may pasaring ng ibinigay ang ina ni Jennica na si Jean.

Nagpost ito ng quotes na tila sagot sa hinaing ng aktor.

At nitong nagdaang araw lang ay tila hindi na nakapagtimpi pa si Jean at nakapagsalita na siya laban kay Alwyn.

Sa mga post ni Alwyn ay makikita na lahat iyon ay may comment ng batikang aktres.

“Talaga ba yan Alwyn?!!! Sana sinagot mo message ko sayo…respeto kase yon bilang magulang ni Jennica. Kausapin mo kaya ako para magkaintindihan tayo! Ok ka lang ba?!” aniya.


Sa isa pang post ng aktor nag-react si Jean, “Wow ngayon naiisip mo mga anak mo??? Tama naman yan pero yung heartaches ni Jennica sayo?! Ok ba?!!! Tanong lang Alwyn???”

Humingi ulit siya ng respeto kay Alwyn bilang magulang ni Jennica, “Haaayyy kawawa kase ikaw di ka marunong makipag-usap Alwyn, respeto lang hinihingi ko sayo, di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…yun lang naman…just saying!!!”
Anong masasabi mo rito?
Netizens, napansin ang pagiging blooming at pagmumukhang bata ngayon ni Jennica Garcia
Marami ang nakapansin na blooming at fresh ang dating ngayon ni Jennica Garcia.
Matapos nga ang ilang taong pamamahinga sa showbiz ay balik nang muli sa pag-arte si Jennica Garcia.
Nang mga nakaraang taon kasi ay naging abala ang aktres sa kanyang buhay may pamilya.
Ngunit nito lamang nagdaang buwan ay umugong ang balitang hiwalay na sila ng kanyang asawang si Alwyn Uytingco.

Kinumpirma naman ito ng anak niJean Garcia sa kanyang panayam sa GMA News.

At ilang araw lang ang nakalipas matapos ang kumpirmasyon na ito ay balik showbiz na nga si Jennica.

At sa kanyang pagbabalik ay maraming netizens ang nakapansin na mas blooming at fresh daw siya ngayon.
Tila mas hiyang daw ang aktres matapos mahiwalay sa kanyang asawa.

Ito nga ang napansin ng marami nang ibahagi ni Jennica ang kanyang morning look sa lock-in taping ng kanyang bagong proyekto.

Ang GMA drama series na “Las Hermanas” kung saan makakasama niya sina Yasmien Kurdy, Albert Martinez, Thea Tolentino, Faith da Silva, at Jason Abalos.
“This is how my morning looks like ever since my lock-in taping in Pampanga started for GMA’s Las Hermanas,” saad ng aktres sa kanyang caption.
Ilan pa sa mga litratong ibinahagi ni Jennica ay nang ipagdiwang ang 3rd birthday ng kanyang anak.
Ilan sa komento ng mga netizens sa kanyang litrato ay bumata daw tignan ang aktres.
Mas bagay daw umano ang kanyang looks noon kumpara noong mga nakaraang taon.
Marami din ang sumuporta sa aktres sa kanyang pagbabalik showbiz.
The post Jean Garcia may mainit na mensahe sa son-in-law na si Alwyn Uytingco: “Di ka marunong rumespeto sa mother in law mo…” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments