Bawat isa sa atin ay inaasam na magkaroon ng sariling bahay balang araw. Ito na marahil ang madalas na isa sa mga goals ng karamihan sa atin sa oras na makaipon ng sapat na pera. May sari-sariling disenyo at taste ang bawat isa sa atin sa pagpapaganda ng ating mga bahay. Ang iba naman ay nagpaplano pa bagamat wala pang sapat na pondo upang makapagpatayo ng bahay.
Nararapat lamang natin tandaan na kumuha ng mga eksperto sa pagbuo ng bahay tulad ng mga arkitekto, inhinyero at interior designer upang masigurong ligtas ang istruktura ng bahay. Tiyak na mas sulit ang pagpapagawa ng bahay kung sigurado tayong itinayo ito ng mga eksperto.
Maraming artista at personalidad sa bansa ang kumukuha ng mga eksperto sa tuwing nagpapagawa ng bahay. Ito ay upang maging maganda, ligtas at komportable ang bahay natin. Tulad na lamang ng bonggang bahay na pagmamayari at ibinahagi ni John Lloyd Cruz sa social media.
French-Mediterranean ang disenyo ng bahay ng sikat na actor. Sa labas ay makikita ang malawak na entrada na bubungad sa mga bisita. Mayroon rin mga outdoor lighting na swak na swak sa tema ng disenyong napili. Ang bahay ni John Lloyd ay makikita sa Antipolo City at may 1,100 na metro ang lawak. Binuo ito ng mga propesyonal na si Roland Andres at Danny Lucas.
Pagbabahagi ng actor ay, ““Kung ano man ‘yong makikita niyo dito – laman ng bahay, ‘yong dating bahay sa akin talaga, number one kung kinonsider yung comfort.”
Mayroong swimming pool at outdoor seating na maaaring pagdausan ng birthday parties at iba pang events na nanaisin ni John Lloyd. Isang mini pond naman na tinitirahan ng maraming Koi fish ang makikita sa bakuran ng bahay. Mahilig umano si John Lloyd at ang pamilya nito sa mga Koi Fish.
Isang malawak na espasyo at hagdanan ang bubungad sa pagpasok sa bahay. Isa sa mga key furnitures sa bahay ni John Lloyd ay ang malaking orasan sa sala na ibinigay umano ni Arte Espanol. Ang hapagkainan naman ay kayang magaccommodate ng sampung katao at ang dining set ay nabili sa Linea Furniture.
Mapapansin na maaliwalas na disenyo ng mala-palasyong bahay ni John Lloyd at ito ang isa sa pinakaproud na naipundar ng actor.
Larawan ni John Lloyd Cruz kasama ang kanyang anak na si Elias Modesto na nakasakay sa Hilicopter umani ng maraming reaksyon ngayon
A good example of a father figure.
Tila ganito ilarawan ng mga netizens ang A-List actor na si John Lloyd Cruz.
Kamakailan lang ay namataan si John Lloyd sa Puerto Galera, sa beach resort na pagma-may-ari ni Willie Revillame.
Kung saan kasama niya din ang mga premyadong direktor at producer na sina Bobot Mortiz, Cathy Garcia Molina at Malou Santos.
Na mas lalong nagbigay excitement sa kanyang mga fans dahil sa muling pagbabalik niya sa industriya ng showbiz.
Tila may niluluto na daw agad na proyekto para sa kanyang showbiz comeback.
Ngunit mas kinagiliwan ng mga netizens ang litrato kung saan kasama ni John Lloyd ang kanyang anak.
Viral nga ngayon online ang litrato nila ni Elias Modesto kung saan nakasakay sa helicopter ang mag-ama.
Sa nasabing litrato makikitang nakayakap si John Lloyd kay Elias habang cute na cute na naka-smile naman sa camera ang kanyang anak.
Hindi man malinaw kung saan pupunta ang mag-ama, hinid maiwasan ng mga netizens na maging masaya sa bonding nila.
Kung matatandaan sa mga nakaraang panayam ni Ellen Adarna, inilarawan niyang “present father” si John Lloyd sa kanilang anak.
Inulan naman agad ng maraming reaksyon ang litrato nina John Lloyd at Elias.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“good job lloydi mahirap na ibang ama ang kilalanin ng anak mo pogi pa naman! enjoy your time”
“atlest hnd ni pinag damot ni ellen ang anak nya sa tatay yong ibq kac pinag damot yong anak”
“ang sweet naman ng mag-ama”
“Happiest John Lloyd with his own son Elias, I can see his glowing eyes and I can feel his loving heart as a father.”
Sa panayam naman ni John Lloyd sa Radyo Kidlat 98.3 FM noong Sabado, May 16, inilahad niya na utang niya ang kanyang bu’hay sa kanyang anak.
The post John Lloyd Cruz, Ipinakita Sa Madla ang Napakaeleganteng French-Mediterranean Nitong Bahay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments