Hindi maipapagkaila na si Karla Estrada at ang anak nito na si Daniel Padilla ay isa sa mga kilalang personalidad sa showbiz industry. Ngunit, pinukaw ng kapatid ni Daniel na si Magui Ford ang atensyon ng mga netizens dahil sa kaniyang ganda.
Bagamat hindi pinasok ni Magui ang mundo ng pag-aartista at mas piniling lumayo sa showbiz limelight, marami namang mga netizens ang humahanga sa kaniya dahil sa taglay niyang ganda.
Sa kaniyang angelic face, balingkinitan, at makinis na kutis, hindi na nakakapagtaka kung bakit patuloy na dumadami ang kaniyang followers sa social media at mga tagahanga.
Maging ang mga OOTDs ng dalaga ay kahanga-hanga din.
Katulad ng kaniyang ina na si Karla, si Magui ay mestiza din at mayroong pagkakahawig sa ama na si Mike Planas. Kagaya ng mga Pinay at kabataan ngayon, siya ay mahilig din sa mga Koreanovelas kaya naman siya ay madalas na bumibisita sa bansang South Korea.
Siya ay mahilig din mag-travel na madalas niyang ibinabahagi sa kaniyang social media account. Siya ay nakarating na din sa Osaka, Japan kasama ang kaniyang pamilya para magbakasyon.
Mayroon ding mga kaibigan si Magui na nasa showbiz industry katulad ni Cassey Legaspi at Julia, ang nag-iisang anak ni Richard Gomez at Lucy Torres.
Noong ika-18 kaarawan naman ni Magui, isang heartwarming message ang iniwan sa kaniya ng Kapamilya momshie na si Karla.
Aniya,
“Thank you anak, for always making me proud.”
Si Magui ay isang mapagmahal at supportive na anak at kapatid. Siya ay playful din at minsan ay nag-iiwan ng palabiro sa kaniyang mga larawan.
Kahit pa man si Daniel at Magui ay magkaiba ng ama, hindi ito naging hadlang para maging malapit ang dalawa sa isat isa. Napaka-protective din ng aktor kay Magui at sa iba pa niyang mga kapatid.
Sa ngayon ay wala pa namang balak si Magui na pasukin ang showbiz industry.
Karla Estrada, proud para sa anak na si Magui Planas na pumasa sa isang sikat na kolehiyo sa Australia
Ipinagmamalaki at itinuturing na yaman ng TV host-actress na si Karla Estrada ang kanyang mga anak.
Credit: @karlaestrada1121 Instagram
Bukod sa pagiging stage mom sa kanyang panganay na anak na si Daniel Padilla, isang proud mom din si Karla sa kanyang anak na babae na si Magui Planas na hindi lamang ubod ng ganda kundi sobrang talino rin.
Muli na namang ipinagmalaki ni Karla si Magui dahil sa panibagong achievement nito. Nitong February 5, masayang ibinahagi ni Karla sa kanyang Instagram account na natanggap si Magui sa nangungunang unibersidad sa Australia at isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa buong mundo na University of Melbourne.
Credit: @karlaestrada1121 Instagram
Halos wala ngang pagsidlan ang kasiyahan ni Karla dahil sa natamo ni Magui. Ipinost ni Karla ang sweet photo nila ni Magui kalakip ang acceptance letter na natanggap nito mula sa nasabing unibersidad.
“Congratulations my dearest ate [Magui] for getting into Australia’s #1 university! You got it anak! wooohoooo!!!,” ani Karla sa caption ng kanyang Instagram post.
Credit: @magsford Instagram
Ipinahayag din ni Karla ang kanyang suporta kay Magui sa pagtahak nito sa panibagong yugto ng kanyang buhay.
Mensahe ni Karla kay Magui, “maglayag ka anak at balang araw matutulungan mo ang mas nakakarami.”
Credit: @magsford Instagram
Dagdag niya, “Andito lang ako anak naka alalay sayo [saan] man at ano man ang marating mo. Thank you for always making me happy and proud! I love you!!! Congratulations!!!”
Noong June 2020 ay nagtapos ng kanyang senior high school si Magui sa pamamagitan ng isang virtual graduation ceremony. Matatandaan na si Daniel mismo ang nag-abot kay Magui ng diploma nito.
Credit: @magsford Instagram
Isang sweet message naman ang isinulat ni Karla para kay Magui.
Saad ni Karla, “Chase your dreams my dear Magui! Never stop trying, never stop learning. Live life to the fullest, give it nothing but your best! Congratulations anak! You’re off to great places, I can’t wait to watch you shine as you enter the next chapter in life.”
Samantala, sa kasalukuyan ay nananatili pa rin si Magui sa Amerika kasama ang kanyang ama at dating partner ni Karla na si Mike Planas.
The post Anak Ni Karla Estrada Na Si Magui Ford, Napukaw Ang Atensyon Ng Publiko Dahil Sa Kaniyang Ganda appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments