Bilang isang public personality, sanay na ang mga artista na makatanggap ng samu’t-saring komento mula sa mga tao. Ngunit may mga bashers na pati personal na buhay ng mga celebrities ay inuungkat. Kadalasan, mas pinipili ng iba na manahimik na lang. Ngunit may mga sitwasyon na dapat sagutin ito lalo na’t kung below-the-belt na ang patutsada sa kanila.
Kamakailan lang, naglabas ng saloobin ang former actress na si Nina Jose tungkol sa kanyang mga bashers sa social media.
Ayon sa dating sexy actress, lagi siyang nakakatanggap ng di magandang komento tungkol sa kanyang asawa na si Mayor Cesar Quiambao. Matatandaang November 17, 2017 nang ikasal si Nina at Mayor Quiambao.


“Age ain’t nothing but a number when it comes to love. Of course you have to be at the right age in making decisions but in general love is beyond age, color, and many other things. Love is a CHOICE when you accept a person for who he or she is and commit yourself to grow together,” pahayag ng aktres sa Instagram.
Si Nina ay 31 years old, samantalang 65 years old naman ang kanyang mister. Sa kabila ng kanilang halos dobleng age gap, masaya at kuntento ang dalawa sa kanilang pagsasama. Ngunit hindi maiwasan na makatanggap si Nina ng mga di magandang komento sa social media tungkol sa kanyang kasal.

Kaya naman sa post nito ay nagbigay siya ng mensahe sa mga bashers. Ayon sa dating “Pinoy Big Brother” housemate, hindi hadlang ang kanilang age gap sa kanilang pagmamahalan. Ayon pa kay Nina, masaya siya dahil sa mga blessings na natatanggap niya ngayon.
“So to all the haters, eat your hearts out and try to find, (haha if you can or if God will let you haha) someone who will love you this way. I guarantee you it is very rare! And I am blessed and happy because God has brought Cezar and I together, it is all a part of his plan,” dagdag pa ng aktres.


Ano ang masasbai mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Kilalanin Ang Mga Artistang Super Rich Dahil Sa Kanilang Asawa
Kilalanin ang mga sikat na personalidad na ito na nagpatong-patong ang halaga ng net worth matapos pakasalan ang mga napaka yayamang kalalakihang ito.
Unang-una sa listahan ay si Pauleen Luna-Sotto, na naging pangalawang kabiyak ng multi-millionaire na si Vic Sotto, ang main host ng longest running noon time show sa bansa, ang Eat Bulaga.

Mayroon na rin silang isang anak, si Tali, na ngayon ay apat na taong gulang na.
Narito naman ang mga iilan pang aktres na tinalikuran na rin ang showbiz matapos magpakasal:
Krista Ranillo

Siya ay ikinasal kay Jefferson Lim, isang negosyanteng nagmamay-ari ng Island Pacific Supermarket sa US. Mayroon na silang 5 anak.
Maggie Wilson

Ang dating beauty queen ay ikinasal sa mogul ng real estate na si Victor Consunji na apo ni David Consunji. SI Victor naman ay isa sa mga itinalang bilyonaryo sa Pilipinas. Si Victor ay isa riin sa mga kasapi ng lupon ng DMCI Holdings Inc. bukod sa kanyang mga firm sa konstruksyon.
Kaye Abad

Ikinasal siya sa kapwa aktor na si Paul Jake Castillo. Ang angkan ni Jake ay kilalang isa sa pinakamayaman sa Cebu. Nagmamay-ari ang mga ito ng International Pharmaceuticals na gumagawa ng mga tanyag na produkto sa merkado.
Dawn Zulueta

Ang beteranang aktres ay ikinasal kay Anton Lagdameo, ang Pangalawang Pangulo ng Anflo Management and Investment Corp. Ito ay itinuturing na isa sa sikat na kumpanya ng pamamahala sa Pilipinas.
Nina Jose

Ang dating artista ay ikinasal kay Cezar Quiambao noong 2017. Si Cezar ay kabilang sa isang mayamang angkan sa Pangasinan. Siya ang may-ari at CEO ng Stradcom Corporation, isa sa pinakamalaking kumpanya ng IT sa Pilipinas.
Julia Clarette

Siya ay ikinasal sa Irish-national Garetch McGeown, ang CEO ng Coca-Cola Philippines, Malaysia, Singapore, at Brunei.
Nanette Medved

Ang dating aktres ay ikinasal sa mayamang negosyanteng si Chris Po na ngayon ay executive chairman ng Century Pacific Food.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
0 Comments