Looking For Anything Specific?

Biglaang paglipat ni Bea Alonzo sa Kapuso Network hindi tanggap ng ilang fans at loyalista ng Kapamilya network

Mukhang hindi aprubado sa marami ang biglaang paglipat ni Bea Alonzo sa GMA-7.

Ngayong araw nga lamang ay kumpirmado ng pumirma na ng kontrata si Bea Alonzo sa Kapuso Network.

Matatandaan na ilang buwan ng naging usap-usapan ang negotiation between Bea and GMA.

Nabalita pang triple daw ng talent fee niya sa ABS ang offer ng GMA kay Bea.

At kamakailan nga lamang ng maglabas ang GMA ng teaser tungkol sa pinakabagong Kapuso star.

 

Marami na ang nagsabi na si Bea nga ito, kasunod din ang isang teaser na may mata ng aktres.

 

At doon na nga nakumpirma na si Bea na nga ang tinutukoy sa post ng GMA.

Ngayong araw lang din ay pumirma na ng kontrata ang aktres at proud Kapuso na siya.

 

Marami ang naexcite sa kung anong proyekto ang gagawin ni Bea bilang isang Kapuso star.

Ngunit mas madami ang tila hindi tanggap ang paglipat ni Bea ng istasyon.

Hindi rin lahat ay happy, ang daming netizens na nega sa paglipat ni Bea. Kesyo raw kaya lang naging movie queen si Bea ay dahil sa ABS-CBN at Star Cinema.

May mga nagbanta ring cancelled o hindi na nila susubaybayan ang mga social media account ni Bea.

Saad pa ng ilan ay tila walang utang na loob si Bea sa ABS kung saan siya unang nakilala.

Halos dalawang dekada din ang itinagal ni Bea sa Kapamilya Network bago ito nagdesisyon na lumipat ng istasyon.

Approve din ba sayo ang network transfer ni Bea o hindi?

John Lloyd Cruz, masayang binati si Bea Alonzo dahil sa naging desisyon nitong paglipat sa GMA Network

Hot topic ngayon sa social media ang pagpirma ng kontrata ni Bea Alonzo sa GMA Network ngayong araw.

Bumuhos nga ang mainit na pagtanggap ng mga Kapuso Artist kay Bea Alonzo.

Bukod sa mga kapwa Kapuso stars at fans, isang espesyal na tao sa buhay ni Bea ang nagbigay ng pagbati sa bagong yugto ng kanyang showbiz career

Walang iba kundi ang kanyang constant onscreen partner na si John Lloyd Cruz.

Alam naman ng lahat na isa sa pinaka sikat na naging tambalan noon ay sina John Lloyd at Bea.

Pumatok sa mga manonood ang kanilang love team lalong lalo na ang pelikula nilang “One More Chance.”

Kung saan nakilala sila bilang sina Popoy at Basha, ang karakter na tumatak talaga sa isip ng kanilang mga fans.

Kaya naman sa paglipat ni Bea Alonzo sa istasyon ng GMA 7 isa si John Lloyd sa tila natuwa sa kanyang naging desisyon.

Kung matatandaan nakaraan lamang ay sa GMA Network din unang lumabas si John Lloyd para sa kanyang showbiz comeback.

Sa Instagram Story ni GMA Films president Annette Gozon-Valdes, ibinahagi niya ang larawan nila ni Bea,  habang ka-video call sina John Lloyd at director Bobot Mortiz.

Sa naturang post, sinulat ni Ms. Annette, “Someone dropped by to say Hi!”

 

Sa hiwalay na video, ipinakita naman ang isang clip ng pakikipag-usap ni Bea kay John Lloyd.

Tanong ni Bea sa kanyang matagal nang ka-love team, “Makikita ba kita dito?”

Pabirong hirit naman ni Ms. Annette, “Hilahin mo na.”

Sagot naman ni Bea, na aktong may pag-abot ng kamay, “‘Lika na.”

Kaya naman excited na ang fans nina Bea at John Lloyd. Anila mukhang matutuloy na ang reunion nila Popoy at Basha.

The post Biglaang paglipat ni Bea Alonzo sa Kapuso Network hindi tanggap ng ilang fans at loyalista ng Kapamilya network appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments