Looking For Anything Specific?

Princess cut wedding gown ni Ara Mina hinangaan ng marami dahil sa sobrang ganda nito

Ara Mina nagmukhang prinsesa sa kanyang wedding gown.

Ikinasal na ang aktres na si Ara Mina sa nobyong si Dave Almarinez nitong Miyerkoles. Ginanap ang kasal sa isang chapel sa Baguio City.

Bumaha ng luha sa simula pa lamang ng kasal nang naglakad papuntang altar ang anak ni Ara na si Amanda Gabrielle Meneses, na nasilbing little bride, at niyakap ang kanyang stepfather na si Dave.

Hindi rin napigilan ni Ara na maluha habang naglalakad papuntang altar.

Mga kilalang celebrity sa industriya ang kabilang sa sampung pares ng mga ninong at ninang sa nasabing kasal.

Kabilang sa kanila si dating Senate President Mannny Villar Jr. at asawang si Senator Cynthia Villar; Senators Christopher Lawrence “Bong” Go, Richard Gordon, Ralph Recto at asawa nitong si Lipa Congresswoman Vilma Santos-Recto; Trade Secretary Ramon Lopez, Glicerio Santos Jr.; at Ever Bilena owner Mr. Dioceldo Sy,.

Kasama rin sa principal sponsors sina Atty. Roy Almoro, Reality Films producer Dondon Monteverde, Viva Films producer Vic del Rosario Jr., Dr. Milagros Ong-How, ABS-CBN COO for broadcast Cory Vidanes, San Pedro Laguna Mayor Lourdes Cataquiz, Megastar Sharon Cuneta-Pangilinan, Robinsons Retail Holdings president Mrs. Robina Gokongwei-Pe, GMA executive Redgie Magno, Emelda Teng, at Jocelyn Lim Chiong.

Pero wala sa mismong seremonyas kanina sina Vilma, Sharon, Cory, Redgie, at Boss Vic.

Samantala, tila nagmukhang prinsesa naman si Ara Mina sa kanyang wedding gown.

Ito ay dinisenyo ng couturier na si Leo Almodal

Napapalibutan ng Swarovski crystals ang gown ni Ara.

Maging ang napakahabang train at veil nito.

Ang wedding gown ni Ara ay regalo sa kanya ng kanyang mga kapatid na sina Heidi Gatmaytan at Cristine Reyes.

Nais daw nila na maisuot ng kanilang ate ang pangarap nitong wedding dress.

Kilalanin Ang Napakagandang Ina Nina Ara Mina At Cristine Reyes Na Dating Beauty Queen

Marami na masyado ang problema ng ating mundo kaya irefresh natin saglit ang ating mga utak dahil mag #throwbackthursday tayo ngayon.

Ang #throwbackthursday ay isa sa nauso ngayon sa panahon ng millenials. Ginagawa ito ng karamihan sa ngayon upang maibahagi ang nangyari sa kanila ng matagal na panahon. Ipinopost nila ang lumang litrato sa socmed at ibinabahagi ang istorya sa likod ng larawang kanilang ipopost.

Samantala, magpapahuli ba ang mga sikat nating artista sa #throwbackthursday na yan? Siyempre hindi, sila ang magkapatid na sila Ara Mina at Cristine Reyes.

Ipinost nila ang litrato ng kanilang ina na si Venus Imperial noong kinoronahan siya bilang Mutya ng Pasig noong 1967.

Base sa litrato ay ito na lang ang isa sa pinakalumang picture na naitago at naisalba nila dahil ang iba ay tinangay ng Typhoon Ondoy kaya naman napakaimportante sa kanila ang nasabing litrato.


Narito ang caption ni Ara Mina sa kanyang naturang post. 

“Look what I found, a picture of my mom (she’s half German. Na-restore tong picture and ito na lang ata pictures niya noong nanalo siyang “Mutya ng Pasig 1967”. Kasi mga pictures naming especiallly mga baby pictures ko wala na dahil sa Typhoon Ondoy non, even my diplomas, honorable mention and awards sa school like “Most Cooperative “ at iba pa nabaha (diba may special awards din ako di lang sa pag-aartista). Wala lang just sharing lang. Chatting with my mom now after her check-up today.”

 

Si Ara Mina at Cristine Reyes ay mga sikat na artista at aktres ngayon at ngayon nalaman natin na mahilig pala sumali sa pageant ang kanilang mommy. Hindi maitatago na sa mommy nila nagmana ang dalawang artista na ito dahil magaganda at makikinis sila. 
 
Kayo? May naisip na ba kayo para sa #throwbackthursday niyo? I-share na yan. 

The post Princess cut wedding gown ni Ara Mina hinangaan ng marami dahil sa sobrang ganda nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments