Looking For Anything Specific?

Isang Maswerteng Pinoy, Mainit Na Pinag-Uusapan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Pag-Bihag Ng Puso Ni Maria Ozawa

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan na ipinost nina Maria Ozawa, isang professional model at dancer sa Japan, at ng kanyang pinoy na nobyo na magkasama sa kanilang Instagram account.

Sino nga ba itong si Jose Sarasola na sinasabing kasintahan ni Maria Ozawa at mainit-init na pinag-uusapan ngayon sa social media?

Si Sarasola ay sumali nuon sa isang palabas sa ABS-CBN na Pinoy Fear Factor at dito siya unang sumikat at nakilala. Pumasok naman sya sa pag-aartista pagkatapos ng naturang palabas. Mayroon din siyang iilang pelikula na pinagbibidahan.

Mas pinili ng dalawa na manahimik muna at maging pribado sa kanilang relasyon. Maraming kapamilya at kaibigan naman nila ang nagpaabot ng kagalakan at binati sila sa kanilang relasyon.

Madalas makita ang dalawa na magkasama sa mahahalagang okasyon gaya na lamang ng Valentines day, Pasko at tuwing bakasyon, kaya naman hindi na nagulat ang kanilang mga fans ng nalaman ang tungkol sa kanilang sekretong relasyon.

Matatandaang sinabi rin noon ni Maria Ozawa na kung papalarin, ang gusto niyang makarelasyon ay may lahing Pinoy. At nagkatotoo nga, nakakita siya ng tunay na pagmamahal sa isang Pinoy.

Inamin din ni Maria na nahihirapan at nag-aadjust pa lamang siya sa kanilang LDR o Long Distance Relationship ng kanyang kasintahan ilang buwan matapos siya bumalik sa Japan.

Tinanong naman sila patungkol sa estado ng kanilang relasyon lalo na ngayon na may pandemya at ang sagot naman ng kanyang nobyo na si Jose ay, “I think it’s really hard. I think any couple that goes thru LDR would find this time very challenging since we are not together“.

Pinapanatili nilang matatag at maayos ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng open communication sa isa’t-isa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.

Kilalanin ang maswerteng Pinoy na nakabihag ng puso ni Maria Ozawa

Apat na taon na ang relasyon ng Filipino-Spanish actor-chef na si Jose Sarasola at ng Japanese actressna si Maria Ozawa.

Nagkakilala sina Jose at Maria sa bar ng binata sa Avenue 75 Sports Bar sa BF Homes, Parañaque taong 2017.

Wala pa daw masyadong kaibigan noon si Maria at ipinakilala nga sila sa isa’t-isa ng kanilang “common friend”.

Naging magkaibigan sila at kahit pa nga bumalik na sa Japan si Maria ay patuloy pa rin ang kanilang komunikasyon. Kalaunan ay nagkapalagayan na sila ng loob at naging opisyal na magkarelasyon.

Si Jose Sarsola ay isa sa mga naging kalahok noon sa “Pinoy Fear Factor

Matapos nga niyang sumali sa nasabing kumpetisyon, ay ito na rin ang naging daan at pagkakataon ng binata na magsimula ng karera sa industriya ng showbiz.

Ilang mga television shows at pelikula na rin ang kinabilangan ni Jose Sarsola. Maliban pa nga sa pagiging isang aktor, isa ring chef itong si Jose Sarsola

Tila hindi na nga rin surpresa para sa marami na magkaroon ng magandang ugnayan o pagkakamabutihan sina Maria Ozawa at Jose Sarsola, dahil sa madalas ngang nakikita ang Japanese actress, na dumadalo sa mga spesyal na okasyon nakasama si Jose Sarsola.

 

Ilan nga sa mga okasyon na namataang magkasama ang dalawa ay noong Valentine’s day ng nakaraang taon, at ganoon rin noong araw ng Pasko. Namataan na rin ang Japanese adult film star na madalas kasama ng Pinoy actor-chef sa mga out-of-town nito.

 

Kalagitnaan ng taong 2017, umamin ang dalawa na in a relationship na sila matapos ang halos isang taong getting-to-know-each-other stage.

Pero dahil sa pandemic, nakuntento muna ang magsing-irog sa pagkakaroon ng long-distance relationship o LDR.

Sa ngayon ay going strong ang apat na taon ng relasyon ng dalawa.

The post Isang Maswerteng Pinoy, Mainit Na Pinag-Uusapan Ngayon Sa Social Media Dahil Sa Pag-Bihag Ng Puso Ni Maria Ozawa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments