Hindi pa man dumarating ang pandemya sa buhay ng mga Pilipino, marami na sa atin ang iginagapang ang kahit na anong trabaho sa araw- araw upang mabuhay at may makain.
Tila baý naging sumpa para sa karamihan ang ating kinalalagyan ngayon dahil sa mas pinahirap na sitwasyon.
Kagaya na lamang ng 78 taong gulang na lolong ito na nakilala bilang si Partico Palileyo na pangangalakal ang ikinabubuhay upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya at apo.
Araw- araw ay matyaga niyang binibili at kinokolekta ang mga kalakal sa mga bahay bahay sa magkakalapit na lugar upang kaniya itong mabenta.
Ang kakarampot na kita niya ay ang kaniyang pinagkakasya para sa mga gastusin at higit sa lahat, panggatas ng kaniyang apo.
Ang netizen na si Harvey Villanueva ang nakakita kay Lolo Partico na sandaling nag papahinga sa labas ng isang convenience store.
Kitang kita na siya ay pagod ngunit kailangan pa ding kumayod. Nilapitan ito ni Harvey at tinanong tanong. Doon niya napag- alaman ang sitwasyon ng matanda.
Hindi pa daw kasi sapat ang kaniyang kinita sa pangangalakal kaya’t problemado siya kung saan niya kukuhanin ang kanilang pangkain.
Dahil sa awa at habag sa matanda na dapat ay nagpapahinga na lamang sa bahay, inabutan niya ito ng konting tulong upang makauwi na ito, makakain, makapagpahinga at mabili ang gatas ng apo. Labis na nagpasalamat sa kaniya si Lolo Partico.
0 Comments