Looking For Anything Specific?

Isang lola nanlilimos at naglalakad sa lansangan para makauwi ng probinsya, kinaantigan!

Ngayong panahon na may kinahaharap tayong pandemya dulot ng sakit na C0’VID-19 lahat tayo ay nahihirapan dahil sa mga alituntunin na dapat natin sundin tulad ng bawal muna lumabas ang marami sa atin at tigil trabaho at operasyon ang karamihan sa mga kompanya.

Subalit sa kabila ng kahirapan na ating nararanasan nakakataba ng puso kapag mayroon tayong nababalitaan o kaya naman ay napapanood na mga kwento ng pagtulong sa kapwa at pagiging isang mabuting ehemplo sa marami.

Katulad na lang ng ipinakitang kabutihan ng isang vlogger at good samaritan na ito na talaga namang hinangaan at pinuri ng mga netizen dahil sa kanyang pagtulong sa isang matanda na kanyang nakitang naglalakad at nanlilimos sa kalye.

Nakilala ang vlogger youtuber na si “Pugong Byahero” sa kanyang YouTube Channel in-upload niya ang video tungkol sa isang matanda na kaawa-awa ang sitwasyon di umano naglalakad ng malayo ang matanda upang makauwi sa kanilang probinsya dahil wala itong pera at pamasahe.

Kwento ng vlogger, nakita niya umanonang matanda sa lugar ng San Pedro, Laguna ng kanyang mapansin na sa bawat paghinto niya ay nanlilimos ang matanda.

Kaya naman hindi nakatiis ang vlogger at nilapitan niya ito upang malaman kung bakit ito nanlilimos, ayon naman sa matanda kaya pala siya nanlilimos ay upang makaipon ng pamasahe pauwi sa kanila sa ternate Cavite.

Ayon pa sa matanda kanya raw sinadyang puntahan ang pamangkin na nagtatrabaho sa Jollibee sa San Pedro Laguna ngunit sa kasamaang palad ay wala na pala ito dito at nailipat na ng ibang lugar.

Kwento pa ng matanda, pamasahe papuntang jolibee lamang ang meron siya kaya ng malaman niyang wala ang kanyang pamangkin ay napilitan siyang manlimos at maglakad upang makalikom ng pamasahe pauwi sa kanila.

Nakilala ang matanda na si Lola Soledad Garcia, 68 taong gulang at tubong Cavite.

Habang kinakausap ni Pugong Byahero si Nanay Soledad nalaman nitong hindi pa kumakain ang matanda at ang huling kinain lamang nito ay ang biscuit na bigay pa ng isang lalaki sa kanya.

Tinanong ni Pugong Byahero kung magkano ang pamasahe nito pauwi at binilang ang napaglimusan nito na 8 pesos pa lamang. Ang kabuuang pamasahe daw niya ay nagkakahalaga ng 170 pesos.

Nung una ay nagbiro ang vlogger at binigyan niya ito ng barya kunwari pandagdag ng pamasahe ngunit bandang huli binigyan niya ito ng isang libong piso.

Labis ang Pasasalamat ni Nanay Soledad hanggang sa bumuhos ang iyak nito at sinabing ibibili niya rin ito ng bigas pag kauwi malaking tulong daw ito sa kanya dahil naggagamot din siya sa sakit na highbløød, at ng malaman ng vlogger na ito ay may highblood bigniyan pa niya ito muli ng isa pang libo upang ipambili raw ng gamot.

Hindi naman magkamayaw ang pasasalamat ng matanda at sinabing sa kanyang pag alis ay nakapamasko din siya ngunit sa ibang tao nga lamang.

At sa huli kanyang inihatid si Nanay Soledad sa sakayan ng jeep at hiling ni Pugong Byahero na makauwi ng ligtas si Nanay Soledad.

Post a Comment

0 Comments