Looking For Anything Specific?

Nadine Lustre at rumored French Filipino boyfriend nito spotted na magkasamang nagbabakasyon ngayon sa Siargao

Spotted muli ang aktres na si Nadine Lustre kasama ang kanyang rumored boyfriend habang nagbabakasyon sa Siargao.

Kamakailan nga lamang ay umugong ang balita tungkol sa bagong nobyo umano ni Nadine.

Nagtrending kasi sa Twitter ang mga larawang kasama ang isang foreign guy. Na kinilalang si Christopher Bariou, ang founder at managing director ng Maison Bukana.

Makikita sa kanilang mga litrato na kakaiba ang sweetness ng dalawa sa isa’t-isa.

 

May video din na may hawak na mic si Nadine at tila naglalaro sila ng mga card games at katabi nito si Christopher.

 

Marami namang agad ang natuwa para sa aktres na nakahanap na umano ito ng bago niyang pag-ibig.

Matatandaan na mahigit isang taon na ng isapubliko nila Nadine at dating kasintahan na si James Reid ang kanilang hiwalayan.

Kaya naman masaya sila na nakitang nakaka move on na si Nadine from a painful heartbreak.

Kamakailan nga lamang ay muling namataan si Nadine na kasamang masayang nagbabakasyon si Christopher sa Siargao.

Ilang litrato at video nila mula sa mga fans ni Nadine ang kalat ngayon online.

 

Namangha pa umano ang isang netizen ng si Christopher pa umano ang kumuha ng litrato ni Nadine at kanyang fan.

Hiling naman ng maraming JaDine fans ang tunay na kasiyahan ng aktres.

Isang netizen ang nag-post sa Twitter ng mga larawan ni Nadine Lustre kasama ang ‘di umano’y bagong boyfriend nito

Nadine Lustre namataang kasama ang rumored new boyfriend na foreigner.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas ng isapubliko nina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang hiwalayan.

Ito ay matapos ang ilang taon nilang relasyon on and off cam.

Ngunit kahit naghiwalay na ang dalawa ay nanatili silang magkaibigan at nakikitang lagi pa ding magkasama.

Nanatili din ang suporta ng bawat isa sa kani-kanilang career. Ngayon nga ay under Careless Music Manila si Nadine.

Ang record label na itinayo ni James Reid na humahawak sa music career ni Nadine tulad na lang ng virtual concert ng aktres kamakailan.

Sa gitna ng kanilang hiwalayan ay kinikilig pa din ang JaDine fans sa kanilang mga idolo. Inakala pa nga ng ilan na magkarelasyon pa din ang dalawa.

Ngunit kamakaialan lamang ilang video at larawan ni Nadine ang kumalat sa social media, particular in Twitter.

Kung saan makikitang lagi niyang kasama an foreigner guy na nagngangalang Christopher Bariou. Hinihinalang si Christopher umano ang bagong boyfriend ng aktres.

 

Ang mga larawan di na ito ay tugma sa post ni Nadine kamakailan sa Instgram na nasa baksyon siya ngayon sa Siargao.

 

May video din sa Twitter na makikita ang sweetness umano ni Nadine at Christopher.

 

Base naman sa social media accounts ni Christopher, ito ay founder at managing director ng Maison Bukana.

Isa din si Nadine sa kanyang mga followers.

The post Nadine Lustre at rumored French Filipino boyfriend nito spotted na magkasamang nagbabakasyon ngayon sa Siargao appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments