Looking For Anything Specific?

Gerald Anderson, matapang na sinagot ang tanong kung handa na nga ba siyang pakasalan si Julia Barretto

Gerald Anderson, sinagot ang tanong kung handa bang pakasalan ang nobyang si Julia Barretto.

Handa na nga bang magpakasal si Gerald at mag settle down sa nobya niya ngayon na si Julia Barretto?

Marami ang naka antabay sa relasyon ng dalawa dahil na rin sa kabikabilang kontrobersiya laban sa dalawa.

Una nang umingay ang pangalan ng couple noong 2019 nang itinuturo ni Julia bilang third party ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Hanggang sa umamin na ang dalawa sa tunay na relasyon at ngayon ay tila masaya na sa piling ng isa’t-isa.

Very open naman parehas sina Gerald at Julia na nagbabahagi ng photos together maging sa kanilang mga YouTube channels.

Pero ang tanong ng madami, si Julia na nga ba ang “last one” ng aktor?

Sa naging interview ni Gerald kasama ang King of Talk na si Boy Abunda, isa ito sa mga deretsahang tanong ng host.

Tinanong ni Tito Boy ang aktor kung handa na bang pakasalan si Julia.

“If you have your way, would you ask Julia to marry you? No, really, Ge,” derechong tanong ni Boy.

Agad naman nag reak si Gerald at sinabing, “Ang bigat naman nun, Tito Boy.”

Pagpapatuloy niya, “Gusto ko sagutin yan talaga pero alam niyo po kung anong isasagot ko diyan, pero siguro, she’s still very young.

 

“Ang dami pa niyang ma-i-offer sa industriya natin. Ang dami pa niyang ibang ipapakita sa inyo sa audience natin, yung talent niya.”

Si Gerald ay 32 years old habang si Julia naman ay 24. Ilang beses nang sinabi ng aktres na handa na siya magkaroon ng sariling pamilya.

Bagong video nina Julia Barretto at Gerald Anderson na sweet sa isat-isa inulan ng komento

Latest video ng controversial couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto usap-usapan na namang muli.

Magmula nang aminin sa publiko ang kanilang relasyon, patuloy na nga ang pagbibigay kilig nina Julia at Gerald.

Tila di na nila alintana ang mga haters na patuloy pa din na binabash ang kanilang relasyon.

Mas pinapatunayan ng magkasintahan na masaya sila sa kung ano man ang meron sila sa ngayon.

Katulad na lamang ng pagbabahagi ng mga happy moments tuwing sila ay magkasama.

Isang video ngang muli ng magkasintahan ang viral ngayon sa social media. Kung saan makikitang nakasakay ang dalawa sa isang service trolley.

Habang si Julia ang may hawak ng phone para mag video ay kitang kita naman ang paglalambing ni Gerald sa nobya.

Panay ang halik ng aktor sa pisngi ni Julia na tila inaamoy amoy pa ang kanyang girlfriend.

Si Julia naman ay masisilayan ang malaking ngiti na halatang kilig na kilig sa ginagawang paglalambing ni Gerald.

 

Kitang kita ang kasiyahan ng magkasintahan tuwing sila ay magkasama. Agad namang umani ng samu’t-saring komento ang video nilang ito.

Narito ang ilan sa reaksyon ng netizens:

 “Hayooop gigil c ge KY juju Ganda nman kse juju e.”

“Ang galing ang sweet ninyong dalawa talagang pinakilig na niyo ang lahat ng mga fans ninyo sa buong mundo”

“Haysst di ko mapigilan kiligin sa dalawang ito”

“nakakakilig pero medyo nakakaasiwa”

“yung tatay naglambing na naman sa panganay niya”

Dedma na lang sa bashers sina Julia at Gerald at pinapatunayan lang nila na masaya sila sa piling ng isa’t-isa.

The post Gerald Anderson, matapang na sinagot ang tanong kung handa na nga ba siyang pakasalan si Julia Barretto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments