Looking For Anything Specific?

Lolit Solis, may nakapanghihinayang na pahayag tungkol umano sa hiwalayang LJ at Paolo

Nanghihinayang ang batikang kolumnista na si Lolit Solis sa bali-balitang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Ilang araw ng palaisipan sa mga netizens kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nina LJ at Paolo.

Nag-umpisa ang haka-hakang hiwalay na ang dalawa dahil sa pagbura ni Paolo ng mga larawan nila ni LJ sa kanyang IG account.

Naka-unfollow na din ang aktor sa IG ni LJ. Gayunpaman, sa part ni LJ ay naka-follow pa din siya sa partner. May mga natira pa din na mga larawan na magkasama sila.

Zero na din ang following ni Paolo sa IG, at tanging mga litrato na lang ng anak niya kay LJ na si Summer ang naiwan.

Maraming fans ng celebrity couple ang nagtatanong sa kung ano nga ba ang nangyari sa kanilang mga idolo.

Ngunit magpasa hanggang ngayon ay tikom pa din ang bibig ng dalawa sa totoong estado nila.

Kaya naman ngayong araw, Linggo, August 22, nagbigay ng pahayag si Lolit ukol dito.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Manay Lolit ang kanyang panghihinayang sa naging samahan nina LJ at Paolo.

Aniya, “Kung tutoong hiwalay na nga sila Paolo Contis at LJ Reyes Salve, nakaka sad naman. Kasi akala ko ito na ang ‘the one’ for Paolo Contis dahil matagal din sila at mukhang compatible na dalawa.”

Nagulat din umano si Manay Lolit sa balitang hiwalayan dahil napakatahimik umano ng love life ng dalawang Kapuso stars.

“Siguro nga dumating sila sa punto na nawala na iyon romance, may mga konting problema na lumaki, kaya umabot sa hiwalayan,” dagdag pa ni Lolit.

Sa huli ay hiling ni Manay Lolit na sana ay manatiling magkaibigan sina Paolo at LJ para sa kanilang anak na si Summer.

Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang age gap sa kanya ayon kay Lolit Solis

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

 

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.

The post Lolit Solis, may nakapanghihinayang na pahayag tungkol umano sa hiwalayang LJ at Paolo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments