Kahit anong kalokohan pa man ang gawin, Heart Evangelista handang patawarin ang asawang si Chiz Escudero.
Nag-guest kamakailan ang mag-asawa sa vlog ng kilalang TV host at broadcast journalist na si Karen Davila.
Napag-usapan ang pangagaliwa sa nasabing vlog. Ayon kay Chiz, dealbreaker daw para sa kanya ang cheating. Samantalang si Heart naman ay handa raw patawarin si Chiz kung saka-sakaling mahuhuli niya itong nangangaliwa.
Ayon sa aktres at fashion icon, hindi siya papayag na tuluyang mawasak ang relasyon nila ng asawa nang dahil lang sa isang babae.
“Because I love him. I don’t love him as a lover. I love him also as a friend,” ani Heart. “Ibig sabihin like what… ‘So you, guys, are gonna have your happy ending? No. I’m gonna stay with you until the end.’”
Natanong naman ang gobernador ng Sorsogon kung nagseselos pa rin ba siya sa mga dating boyfriend ng asawa, “I don’t think so.”
Ngunit tila hindi kumbinsido rito si Heart dahil nakita raw niya ang YouTube history ni Chiz. Nabuking daw niya sa mga recommended videos sa account ng asawa ay puro tungkol sa kanyang mga ex-boyfriend.
At nang i-check nga niya, confirmed! Nanonood nga si Chiz ng mga video sa YouTube tungkol sa mga past relationships niya. Depensa naman agad ng politiko, “The motivation is not jealousy, it’s curiosity.”
Ayon naman kay Chiz, ‘yun ay dahil nagkalayo sila ng tatlong buwan ni Heart.
Matatandaang nag-lock in taping si Heart para sa I Left My Heart in Sorsogon bago lumipad ng U.S. para umattend sa isang event ng Vogue 100, makipag-meet sa Bling Empire star na si Kane Lim, at gumawa ng art collaboration kasama ang Incubus vocalist na si Brandon Boyd.
Panoorin dito ang kanilang panayam:
Heart Evangelista inaming napipikon ang mister na si Chiz Ecsudero tuwing nagsha-shopping siya ng mamahaling gamit
Ibinahagi ni Heart Evangelista ang reaksyon ng kanyang mister na si Chiz Escudero tuwing nagsha-shopping siya.
Kilala si Heart bilang isa sa pinakasosyal na aktres sa bansa. Dahil sa pagkahilig nito sa mga mamahaling bagay.
Sa kanilang panayam kay Karen Davila, ibinahagi ng Kapuso actress na minsan na ding napikon ang kanyang mister sa kanyang pamimili.
Tulad ng mga normal couples, may mga bagay na pinagtatalunan din sina Chiz at Heart. Sa nasabing panayam, naitanong ni Karen kung ano ang biggest struggle sa kanilang marriage.
“For her to learn yung discipline and maturity and respect to the money that she earns and spends,” saad ni Chiz. Na agad namang sinagot ni Heart ng, “I understand.”
“It’s funny, but then, we are so opposites,” panimula ni Heart na nagbalik tanaw pa sa mga reaksyon noon ni Chiz. Sa tuwing nagsha-shopping siya.
Paglalahad pa nga ng aktres, “When I shop? Napipikon siya.”
“Before, not anymore. Napipikon siya sakin like, ‘Ilang bibig na napakain mo diyan?’ gaganunin niya ako eh sapatos lang yun. Syempre I’d hide everything, right?” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Heart ay naman daw niya sa kanyang mga magulang ang hilig sa pagshopping. “Yun yung language of love ko rin. Even for me, I like to gift him with stuff.”
“Pero siya, I don’t get the reaction that I want, so it pisses me off, diba? Parang naiinis ako, parang, ‘Bakit ganun? Hindi ba siya nagce-care?’ so it’s really in the beginning, dun kami nagbabanggaan.”
Ayon kay Heart, marami raw syang natutunan kay Chiz at kabilang na rito ang pagpapahalaga sa pera, na kahit nakasale ang isang bagay at kahit gaano nya ito kagusto ay hindi niya ito bibilhin kung hindi niya naman ito kailangan.
Narito ang kanilang interview:
The post Heart Evangelista, inaming handang patawarin si Chiz Escudero kung mahuli niya itong magloko sa kanilang relasyon: ‘Because I love him’ appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments