Ipinasilip ni Jessy Mendiola ang farm nina Vilma Santos at Senator Ralph Recto sa Lipa, Batangas.
Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Jessy ang pagbisita niya kasama ang asawang si Luis Manzano sa farm nina Ate Vi.
Sa nasabing video makikita kung gaano kalawak ang farm. Napakaraming tanim nito at may mga alaga din silang mga hayop. Tulad na lamang ng mga baka, at napakaraming ibon.
May mga tanim na mangga at iba’-t-ibang fruit and vegetables bearing plants.
Makikita sa video ni Jessy ang pagiging cool ng Star for All Seasons na mismong nagbiro sa anak kaugnay sa hugis ng mukha nito.
Sa isang bahagi ng video ay pabirong tinuro ni Ate Vi ang puno ng mangga na aniya ay akala niya’y walang bunga sabay turo kay Luis at nagsabing meron pala.
Hirit naman ni Luis, magpapahinga na umano ang ina sa politika at magbabalik sa showbiz. Biniro niya ring sa “Goin’ Bulilit” mapapanood ang kanyang momskie.
Samantala, ayon naman kay Luis ay balak din umano niyang magkaroon ng sariling farm sa Batangas.
Dahil na rin sa magandang klima doon na healthy para sa mga pananim at pag-aalaga ng mga hayop.
Healthy and organic environment umano kumbaga. Kaya talaga namang nakaka-relax habang sila ay naglilibot.
Sweet na sweet din sina Ate Vi at Jessy na magkahawak pa ang kamay habang naglalakad sa bukirin.
Maraming netizens naman ang humanga sa samahan ng dalawa. Namangha din sila sa lawak at ganda ng farm ni Ate Vi.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Super ganda ng place ng farm the landscape, the native house the surrounding everything nice”
“I really admired how daughter in law and mother in laws bonding..ang ganda nila tingnan”
“Ang ganda ng Lugar,nakaka inspired naman talaga ang mga ganyan couple”
Narito ang kabuuan ng video:
Mommy Jean sa anak na si Neil Arce: “The best thing, maging ‘under’ ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo!”
Kahit may asawa na ngayon, tila Mama’s boy pa din si Neil Arce.
Naganap na nga ang pinakahihintay na kasalan nina Angel Locsin at Neil Arce.
Sa kanilang YouTube channel, napag-alaman na unico hijo lang pala itong si Neil
At ang kaniyang Mommy Jean ang nagtutulak na mag-asawa na siya noon pa man.
Parang magkapatid lang kung titignan si Mommy Jean at si Neil dahil napaka-cool nito. Nagbigay pa siya ng nakakatuwang advice kay Neil.
Ito umano ay para sa ikasasaya ng buhay nilang mag-asawa.
Advice (na tunog mahigpit na utos!) ni Mommy Jean Arce sa anak n’ya nu’ng mag-guest ito sa vlog ng newlywed, “My advice is sundin mo ang gusto ni Angel para masaya kayo. Ikaw dapat ang mag-asikaso ng bahay.
“Ikaw dapat ang mag-asikaso kay Angel. At ‘pag nagka-anak kayo, ikaw dapat ang mapuyat at hindi si Angel.”
Sobrang kinagiliwan din ng mga netizens ang speech nitong si Mommy Jean para sa anak.
Aniya sa simula ng “speech” niya sa vlog nina Neil at Angel bago sila magpakasal civilly kay Taguig Mayor Lino Cayetano.
“Super happy ako ngayon dahil magpapakasal ka na. Thirty-eight years old ka na. Alam mo naman, ‘yun ang request ko sa ‘yo di ba? Na sana magpakasal ka na habang maganda pa ako.”
Dagdag pa n’ya na na parang pambubuko sa pagiging “mama’s boy” ni Neil Arce, “Finally, Angel will take care of you and not me anymore.”
Ang the best pa umanong payo ni Mommy Jean kay Neil, “The best thing, maging ‘under’ ka, sundin mo lahat ng gusto ni Angel para masaya kayo.”
Para daw mapasaya pa lalo ni Neil si Angel ay kailangan ipag-shopping niya daw ang kaniyang misis.
Ibinuking naman ni Neil na dalawa na ang tatalak sa kanya kasi tandem daw ang mommy niya at ang kaniyang asawa.
The post Jessy Mendioala, ipinasilip ang napakawalak at maraming tanim na pagmamay-ari na Farm ng ina ni Luis na si Vilma Santos sa Lipa, Batangas appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments