Looking For Anything Specific?

Heaven Peralejo at Devon Seron, nagparinigan ngayon sa kanilang mga IG Account

Ang maikling caption ng mga Instagram posts nina Heaven Peralejo at Devon Seron ay binigyan ng kulay at kahulugan ng mga Netizens.

Noong Lunes, August 16, nagbahagi si Heaven ng dalawang larawan niya sa Instagram.

Sa caption ay tila kinumusta niya ang kanyang followers: “How’s your day?”

 

Inulan naman ng puro snake emojis ang comment section ng post na ito ni Heaven. Kaya naman nag-turn off commenting na ang aktres.

Samantala, noong Martes,  August 17, nag-post naman si Devon sa Instagram ng black and white photo niya.

Caption ng aktres: “I’m doing great, sweetie.”

 

Ang agad na basa ng mga Netizens dito ay sarkastikong sagot niya ito sa “pangungumustang” post ni Heaven.

Pero wala namang direktang tinukoy si Devon kung para kanino ang kanyang caption.

At kung naka-off ang comment section ng IG ni Heaven, ay open naman ang kay Devon kaya’t binaha rin ito ng comments.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ganda niya  yung ang simple lang niya talaga pero may angkin siyang ganda “

“Gandaaaa mukhang anghel! Ito mukhang demonyo @heavenperalejo.”

“Gandang hindi mang aagaw. I’m starting to appreciate her beauty.”

“Lol eto pala yung answer nya sa ‘how’s your day?’ post nung girl.”

Ilang araw na rin ang nagdaan nang kumpirmahin nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagpost ng sweet photos sa kani-kanilang social media pages. May palitan pa sila ng I love you’s.

Si Kiko ang ex-boyfriend ni Devon. Early this year ay very much in love pa ang dalawa. Nag-iba ang hangin bandang Marso habang nasa lock-in taping ng teleseryeng Bagong Umaga ang nobyo kasama ang noo’y onscreen partner pa lang na si Heaven.

‘Who did better’ nina Julia Barretto or Heaven Peralejo, umani ng samut-saring komento ngayon

Maingay ang pangalan ng dating Pinoy Big Brother housemate ngayon na si Heaven Peralejo.

Ito ay matapos ilantad ng dalaga ang kanyang relationship sa kapwa aktor na si Kiko Estrada.

Noong nakaraan, umugong ang usapan na si Heaven umano ang naging dahilan ng break up ng dating nobya ni Kiko na si Devon Seron.

Na-link kasi si Heaven sa binatang aktor nang magkaroon ng haka-haka ang fans ni Devon at Kiko na si Heaven ang third party umano.

Ito ay matapos mag post ng cryptic messages ang kapatid ni Devon maging ang ilang malapit na kaibigan nito.

Samantala, mariing itinaggi ni Heaven na siya ang dahilan ng break up ng dalawa. Naglabas din ng statement ang ina nito.

Hanggang sa kumalat naman ang viral pictures nina Kiko at Heaven na magkasama. Nito lamang, hindi na napigilan at ibinahagi na sila ay official couple na.

Sa kabilang banda, ikinumoara naman ng mga netizens si Heaven kay Julia Barretto. Dahil para sa kanila, parehas tumanggi ang dalawa pero nakatuluyan pa din ang mga na-issue sa kanila.

Matatandaan na naging statement ito ni Heaven nang itanggi ang tungkol kay Kiko.

“To set things straight. I am not in any way romantically associated with Kiko nor am I the reason behind their breakup.”

Habang ang kay Julia naman ay,

“Tapusin na lang natin ‘to. Let’s clear this whole issue, so we can put this whole issue to rest. Hindi ko siya naging boyfriend and hindi ko siya boyfriend ngayon.”

Sa ngayon, parehas nang masaya sina Heaven at Julia sa kanilang mga boyfriend.

Si Julia ang itinuturong third party nina Gerald Anderson at Bea Alonzo noon.

“Who did better?” tanong ng mga netizens!

The post Heaven Peralejo at Devon Seron, nagparinigan ngayon sa kanilang mga IG Account appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments