Mahal Tesorero, sagot na ang physical therapy ni Mura para makalakad muli ito ng maayos!
Hindi na napigilan ng dating aktor na si Mura na maging emosyonal matapos ang mga tulong na natatanggap niya.
Kasalukuyan kasing hirap sa paglalakad ang dating aktor nang maaks!dente ito sa motor.

Nitong nakaraan lamang, binisita ni Mahal si Mura sa kanilang probinsya sa Albay. Nakita niya kung gaano kahirap sa buhay ngayon ang dating on screen partner.

Sinabi ni Mahal na siya na ang bahala sa physical therapy ni Mura kapag nakauwi muli ito sa Maynila. Magiging malaking tulong ito para sa dating aktor para makatanggap na muli siya ng showbiz projects.

Nabanggit ni Mura na gusto niyang bumalik sa showbiz kung mabibigyan ng pagkakataon.


Bukod dito, binilhan din ni Mahal at ni Mygz ng grocery items kasama na ang bigas. Pero ayon sa kanila, hindi sila makabili ng madami dahil mahihirapan sila itong dalhin sa bahay ni Mura.

Malayo kasi ang bahay na tinitirhan ng dating aktor mula sa kalsada na pwede makapasok ang mga sasakyan.

Kinailangan pa mag lakad sa putikan nina Mygz at Mahal noong bumisita sila kay Mura. Pero hindi iyon naging dahilan para huminto sa pag tulong sina Mygz at Mahal.
Samantala, marami ang humanga at nagpasalamat kay Mahal dahil sa mga tulong na binibigay niya.
Mygz Molino, ibinahagi ang masayang bonding nina Mahal at Mura sa muling pagkikita nito matapos ang ilang taon
Nananatiling malapit na kaibigan ni Mahal ang komedyanteng si Mura na kaniyang binisita sa Albay upang kumustahin.
Sa vlog ng aktor na si Mygz Molino, sinadya mismo ni Mahal ang kaibigan sa tinitirhan nito sa Bicol na kinakailangan pang lakarin ng higit isang oras bago marating.
Ayon kay Mygz at Mahal, hindi kakayanin ng sasakyan na pasukin ang bundok kung saan nakatira si Mura kaya naman kinailangan nilang maglakad.

Ito ang ibinahagi ni Mygz sa part 1 ng kanyang vlog na pagbisita nila ni Mahal kay Mura.

Sinalubong sila ng komedyante upang sabayan maglakad papunta sa kanilang tahanan.

Sa simula ay malakas pa ang loob ni Mahal na maglakad kasama si Mygz habang si Mura na may problema sa paa ay sumakay na muna sa motor.

The post Mura naging emosyonal ng sabihin ni Mahal na sasagutin ang pang-therapy nito para makapag lakad na ng maayos appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed





0 Comments