Kylie Padilla, naka moved on na nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica?
Tila masaya na ang Kapuso actress ngayon matapos ang ilang buwan na mapabaluta ang hiwalayan nila ni Aljur.
Sa most recent interview niya sa 24 Oras kay Lhar Santiago, madami ang nakapansin na naka ngiti at blooming na muli ang aktres.

Ayon kay Kylie, masaya na daw talaga siya ngayon at nakapag adjust na rin siya at ang kanyang mga anak sa kanilang nilipatang bahay.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” giit ng aktres.

Bukod dito, maganda din daw ang naidulot sa kanya ng kanyang new project.

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga,” pagbabahagi ng mom of two.

Ang mas nakakatuwa pang sabi ni Kylie, “I’m at peace now than I was.”

Matagal din hindi nakagawa ng pelikula ang aktres kaya naman super excited siya sa upcoming movie niya na BetCin.

Makakasama niya dito ang isa pang Kapuso aktres na si Andrea Torres.

Kamakailan lang, pina-wow ni Kylie ang kanyang nga fans dahil sa kanyang fiercer new look.
Aljur at Kylie, Magkakabalikan na nga ba? Nabalitaang Inaayos na ang Gusot sa Kanilang Pagsasama!

May pag-asa pa nga bang maayos ang pagsasama ng mag-asawang si Kylie Padilla at Aljur Abrenica? Ito ang tanong na bumabagabag ngayon sa kanilang mga fans sa social media. Matatandaang nitong nakaraang buwan nang pumutok ang balita na naghiwalay na ang dalawa. Mismong ang ama ni Kylie na si Robin ang nagkumpirma nito sa kanyang interview.
Sa kanyang exclusive interview kay Ogie Diaz, ibinuking ni Robin na third party ang ugat ng hiwalayan ng dalawa. Gayunpaman, kahit pa hiwalay na sila ay patuloy pa rin silang nagko-co parenting para sa kanilang dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.


Ngunit kamakailan lang, nagpahayag ng kanyang statement ang batikang showbiz insider na si Lolit Solis. Ayon dito, may nakarating sa kanyang balita na sinusubukang ayusin ni Jylie at Aljur ang kanilang pagsasama para sa kapakanan ng kanilang dalawang anak.
“Sayang kung matutuloy ang hiwalayan nila dahil meron silang 2 anak at mukha naman hindi ganoon kaseyoso ang dahilan para maghiwalay sila. Baka nga kailangan lang nila ng konting space para makapag-isip dahil ng maghiwalay sila sandali, heto at naayos naman ang problema nila,” pahayag ni Lolit sa Instagram.

Dagdag pa nito, marahil ay kailangan lang rin ni Kylie ng ‘me time’ upang makahinga siya at makapag-isip. Sa kasalukuyan ay lumipat na sa bagong tirahan si Kylie kasama ang kanyang dalawang anak. Si Aljur naman ay laging bumibisita upang makapiling ang kanilang mga anak.
“Dapat talaga siguro na mag-usap lang ng mabuti sila Kylie at Aljur, ayusin ang dapat ayusin, then magkabalikan. Happy second chance for both. Sige na Aljur Abrenica at Kylie Padilla, loving loving na ulit. Sweeter daw the second time around,” dagdag pa ni Lolit Solis.


The post Kylie Padilla, tapat na inaming naka-move on na sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments