Nananatiling malapit na kaibigan ni Mahal ang komedyanteng si Mura na kaniyang binisita sa Albay upang kumustahin.
Sa vlog ng aktor na si Mygz Molino, sinadya mismo ni Mahal ang kaibigan sa tinitirhan nito sa Bicol na kinakailangan pang lakarin ng higit isang oras bago marating.
Ayon kay Mygz at Mahal, hindi kakayanin ng sasakyan na pasukin ang bundok kung saan nakatira si Mura kaya naman kinailangan nilang maglakad.

Ito ang ibinahagi ni Mygz sa part 1 ng kanyang vlog na pagbisita nila ni Mahal kay Mura.

Sinalubong sila ng komedyante upang sabayan maglakad papunta sa kanilang tahanan.

Sa simula ay malakas pa ang loob ni Mahal na maglakad kasama si Mygz habang si Mura na may problema sa paa ay sumakay na muna sa motor.

Ngunit dahil umulan na nagresulta sa makapal na putik sa kanilang dadaanan, hindi na rin kinaya ng motor na dumaan kaya naman nagpabuhat na si Mura sa kamag-anak.

Binuhat na rin ni Mygz si Mahal upang baybayin ang maputik na daan papunta sa kasalukuyang tinitirhan ni Mura.

Makalipas ang isa’t kalahating oras ay narating na nila ang bahay ni Mura.

Samantala, inilabas na din ni Mygz ang part 2 ng kanyang vlog. Kung saan,

Ibinahagi nito ang mga plano at kahilingan ni Mura.

Ani Mura, dahil nahihirapan na siya sa pagsasaka sa bayan nila. Gusto niyang muling maging aktibo sa pag-arte at bumalik sa showbiz.
Balak din umano nito na mag-alaga ng mga baboy upang gawing negosyo. Para kahit papano ay may dagdag kita siya.
Nangako naman si Mygz na sasagutin nito ang isang taong supply ng pagkain.
Para sa mga biik na ibibigay niya kay Mura.
Narito ang kanilang video:
Mahal at partner nitong si Mygz Molino, personal na bumyahe ng Bicol para bisitahin si Mura

Natatandaan niyo pa ba si Mahal at Mura? Sila ang iconic love team noon na talaga nga namang minahal ng karamihan!
Sa isang Youtube vlog na naka upload sa Youtube channel ni Mygz Molino, kanilang ipinakita ang pagtatagpo ni Mahal at Mura Tesorero.

Binisita kasi nina Mygz at Mahal si Mura sa munting tahanan nito sa probinsya. Sa nasabing vlog, kinailangan pang maglakad sa putikan para marating ang bahay ng dating aktor.

Sa vlog, bumiyahe ng matagal at malayo ang dalawa pero hindi ito alintana para mabisita ang matagal nang hindi nakikitang kaibigan ni Mahal.

Noong una pa nga ay naligaw pa sila dahil inabot na ng gabi ang kanilang biyahe.

Nang sila ay muli nang nagkita, makikita na ganoon pa din ang closeness at friendship ng dalawa. Hindi na napigilan at nagkulitan at nagtawanan na agad sina Mahal at Mura.

Todo suporta din naman si Mygz at masaya din siya para sa dalawa.

Nagkaroon naman ng chance na magkausap sina Mahal at Mura at nagkamustahan sa kanilang mga naging buhay pagtapos lisanin ang mundo ng Showbiz.


Ang dalawa ay kilala at sikat noon bilang cute na cute na love team. Hanggang ngayon, madami pa din ang kumikilala sa kanila at kinagigiliwan pa din ng lahat.
Kaya naman, sobra ang tuwa ng mga netizens pagtapos makita na muling nagkasama ang dalawa. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“A very heart touching one, true friendship counts here and patience…”
“So happy to see Mahal and Mura reunited!”
“I’m so glad to see this [smiling face] nakangiti lang ako habang pinapanood ko kayo…”
“Iba pa din ang closeness nilang dalawa kakatuwa!!”
The post Mygz Molino, ibinahagi ang masayang bonding nina Mahal at Mura sa muling pagkikita nito matapos ang ilang taon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments