Hindi lamang mga bata ang inaabanduna ng kanilang mga magulang dahil mayroon ding mga magulang na inaabanduna ng kanilang mga anak dahil sa kantandaan.
Ang mga bata ay may posibilidad pang kupkupin at palakihin ng ibang tao ngunit ang mga taong may gulang na at wala nang kakayahang magtrabaho ay walang magawa kundi magtiis sa hirap hanggang sa kanilang huling hininga.
Kagaya na lamang ng larawang ibinahagi ng netizen na si Xylene Joy Siarot. Makikita ang isang matandang lalaki mula sa Baryo Tabay, Barangay Tominobo, Iligan City, ang pinagsisiksikan ang sarili sa isang maliit a barung- barong na animoý isang kulungan ng hayop.
Makikita kung gaano kakipot ang espasyo ng nasabing tirahan ng matanda. Pilit na binabaluktot ang katawan upang siya ay magkasya sa loob.
Kitang kita sa kaniyang hitsura ang paghihirap at pagtitiis sa gutom.
Para sa kaniya, maswerte pa siya at mayroon siyang sinisilungan ngunit sa paningin ni Xylene at mga netizens na nakakita, ang ganitong buhay para sa matatanda ay hindi makatarungan.
Ginamit ang social media para sa mga taong nais magpaabot ng tulong para sa lolong ito.
Tay sana matolungan ka sa KMJS.napost nakita tay hintayin mo lang baka puntahan ka dyan. GOD BLESS TATAY,” banggit sa post ni Xylene.
0 Comments