Looking For Anything Specific?

Isang PWD na tindero ng prutas, labis na nanlumo matapos maloko at bayaran ng pekeng P1,000 ng isang Customer

Ipinost sa social media ng concern citizen na si Kristien Javina ang tungkol sa kanyang tiyo na naglalako ng prutas na naloko ng isang customer sa ipinambayad nitong pekeng P1,000.

Ibinahagi mismo ni Kristien sa kanyang Facebook ang ginawang panloloko sa kanyang tiyuhin na isang senior citizen at isang PWD.

Halos nanlumo raw ang tiyo niya dahil sa hirap ng buhay ay nagawa pa siyang maloko ng isang customer.

Ayon sa post ni Kristien, mga 11 ng umaga raw noong Pebreri 7 nang bumili ng isang kilong saging ang customer na nagkakahalaga ng P80 at huli na ng malaman ng kanyang tiyo na peke umano ang pera na ipinambayad ng naturang customer.

Sobrang nanlumo raw ang kanyang tiyo na senior citizen na at PWD pa. Ngunit patuloy pa rin daw naglalako ng mga panindang prutas ang kanyang tiyo upang matustusan ang limang anak nitong binubuhay.

Para naman kay Kristien ay umaasa siyang maibalik ang sukli na ibinigay ng kanyang tiyo sa Customer dahil kailangang kailangan ito ng kanyang tiyuhin.

Samantala, hindi naman inakala ni Kristien na dahil sa kanyang post ay maraming tao ang nakabasa nito at nagpaabot ng tulong sa kanyang tiyuhin.

Inabot naman agad ni Kristien ang lahat ng tulong na nalikom niya mula sa mga netizen na may mabubuting kalooban.

Nag post rin si Kristien ng larawan ng kanyang tiyuhin at Pamilya nito upang malaman ng netizen ang kalagayan ng pamilya. Sadyang kaaawa-awa ang matandang Vendor na nakaranas pa ng panloloko.

Nagpapasalamat naman si Kristien at ang kanyang Tiyuhin sa lahat ng tumulong sa kanila dahil malaking bagay na raw ito sa pamilya ng kanyang tiyuhin.

Post a Comment

0 Comments