Looking For Anything Specific?

Komedyante Na Aktres Na Si ‘Mahal’, Pumanaw Na Sa Edad Na 44

Kumakalat ngayon ang bali-balita na ang komedyante na si Mahal o si Noemi Tesorero ay pumanaw na sa edad na 44.

Nag confirm na ang kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero wala na si “Mahal” o Noeme Tesorero sa tunay na buhay. Ga.stro and co.vid ang kinamatay daw kanina hapon lang.

Sa isang post na ibinahagi ng Facebook page na Senyora, Ibinahagi dito ang pakikiramay kay Mahal.

“Paalam, Mahal.
Maraming salamat sa mga ngiti. ,” ani pa sa caption.

Kaya naman dahil dito maraming mga netizens ang hindi makapaniwala sa nangyari sa komedyante.

Ngunit, mismo ang kamag-anak na ni Mahal ang nagkompirma na pumanaw na siya.

Narito ang mga naging komento ng mga netizens:

“Huling pagkikita na pala ni mura yun kaya pala nagtaka ako nagpahiwatig siya dun sa segment ng KMJS para daw bago siya mamatay ay maaalala siya ng kaibigan nya na tumulong siya.,” ani pa ni Reynard G.

“RIP Mahal! Kakapanood ko palang ng pagkikita nyo ni Mura sa YT! Kakabigla!,” ani pa ni Aldreg G.

“Luhhh prang kelan lng nung tumulong pa cya Kay mura ,” ani pa ni Carol P.

“Talagang pinuntahan mo pa si Mura before ka nagpaalam. Rest in peace Mahal ,” ani pa ni Shanayah S.

“Salamat sa pag papasaya mo saming lahat . ” MAHAL” maliit man pero libo libong tao naman ang napapasaya mo ..,” ani pa ni Christopher.

Ang etechking ay nakikiramay sa pamilya ng naulila. Rest In Peace Mahal, Salamat sa ala-ala.

Mygz Molino, ibinahagi ang masayang bonding nina Mahal at Mura sa muling pagkikita nito matapos ang ilang taon

Nananatiling malapit na kaibigan ni Mahal ang komedyanteng si Mura na kaniyang binisita sa Albay upang kumustahin. 

Sa vlog ng aktor na si Mygz Molino, sinadya mismo ni Mahal ang kaibigan sa tinitirhan nito sa Bicol na kinakailangan pang lakarin ng higit isang oras bago marating.

Ayon kay Mygz at Mahal, hindi kakayanin ng sasakyan na pasukin ang bundok kung saan nakatira si Mura kaya naman kinailangan nilang maglakad.

Ito ang ibinahagi ni Mygz sa part 1 ng kanyang vlog na pagbisita nila ni Mahal kay Mura.

Sinalubong sila ng komedyante upang sabayan maglakad papunta sa kanilang tahanan.

Sa simula ay malakas pa ang loob ni Mahal na maglakad kasama si Mygz habang si Mura na may problema sa paa ay sumakay na muna sa motor.

Ngunit dahil umulan na nagresulta sa makapal na putik sa kanilang dadaanan, hindi na rin kinaya ng motor na dumaan kaya naman nagpabuhat na si Mura sa kamag-anak.

Binuhat na rin ni Mygz si Mahal upang baybayin ang maputik na daan papunta sa kasalukuyang tinitirhan ni Mura.

Makalipas ang isa’t kalahating oras ay narating na nila ang bahay ni Mura.

Samantala, inilabas na din ni Mygz ang part 2 ng kanyang vlog. Kung saan,

Ibinahagi nito ang mga plano at kahilingan ni Mura.

Ani Mura, dahil nahihirapan na siya sa pagsasaka sa bayan nila. Gusto niyang muling maging aktibo sa pag-arte at bumalik sa showbiz.

Balak din umano nito na mag-alaga ng mga baboy upang gawing negosyo. Para kahit papano ay may dagdag kita siya.

Nangako naman si Mygz na sasagutin nito ang isang taong supply ng pagkain.

Para sa mga biik na ibibigay niya kay Mura.

Narito ang kanilang video:

The post Komedyante Na Aktres Na Si ‘Mahal’, Pumanaw Na Sa Edad Na 44 appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments