Looking For Anything Specific?

Nadine Samonte, emosyonal na humingi ng panalangin dahil sa health condition ng kanyang asawa at anak ngayon

Hindi napigilan ni Nadine Samonte ang maging emosyonal sa pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayon.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Nadine ang litrato ng kanyang anak kalakip ang mahabang caption.

Dito ay sinabi niya ang karamdaman na kinakaharap ngayon ng kanyang mag-ama.

Saad ni Nadine, “Im kinda emotional right now i don’t know what to say or do but i know everything will be fine. Kapit lang , prayers lang.”

Ibinahagi ni Nadine na maraming pinagdadaanan ang kanyang pamilya ngayon kahit hindi nila pinapahalata.

“Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding” this is what im thinking for the past wks. Yes we are going through a lot , hindi halata noh?”

Pero hindi na umano niya mapigilan na maging emosyonal habang ibinabahagi ang mensaheng ito sa publiko.

Para na din umano manghingi ng prayers para sa successful eye operation ng kanyang anak at angiogram ng kanyang asawa.

“Pero ngyn hindi ko mapigilan emotions ko , i need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today , and my husband will have his angiogram this wk”

Kasabay din ito ng pinagdadaaan niya sa kanyang third pregnancy na naibahagi na niya kamakailan.

 

“You guys know na im struggling also with my pregnancy but here i am fighting and trying to be strong for them, for all of us. Crying on my own so they wont see how i really feel.”

Sa ngayon ay nagpapakatatag na lang umano si Nadine para sa kanyang pamilya.

Nadine Samonte, ibinahagi ang pinagdadaanan ngayon sa kanyang 3rd baby na ikinabahala ng maraming netizens

Isang post sa Instagram ang ikinabahala ng mga fans ng aktres na si Nadine Samonte.

Ibinahagi kasi ng aktres ang hirap na dinadanas niya ngayon sa pangatlo niyang pagbubuntis.

Isang litrato ng kaniyang tiyan ang ipinost ni Nadine sa kanyang Instagram account kahapon July 5.

Saad niya dito, bagamat nahihirapan siya ay isang napaklaking blesing pa rin daw ang kanyang third pregnancy.

“Everyday is a struggle but its more of a blessing. Feeling my tummy grow everyday is what im thankful for. Thank you Lord for our 3rd baby,” pagbabahagi ng aktres.

Dagdag pa niya kakaiba umano ang pagbubuntis niya ngayon kumpara noon sa kanyang dalawang anak.

“Yes i still have PCOS and mostly APAS . This journey is particularly different from my 2 kids.”

Ibinahagi din ni Nadine na muntik ng mawala ang kanyang third baby sa first trimester ng kanyang pregnancy.

Ngunit dahil sa pagdarasal ay hindi sila pinabayaan ng Panginoon.

“We almost lost our baby during my first trimester but with Gods grace and Guidance hindi nya kami pinabayaan. God is Good. “

Inilahad niya din ang mga procedure na kanyang pinagdaanan kaya naman makikita sa litrato na puro pa’sa ang kanyang tiyan.

Marami man daw siyang iniyak ng dahil sa pagbubuntis niya ngayon ay hindi siya kailanman susuko.

“Not complaining but hey i can say im one strong momma here fighting for my babies.”

Sa pagtatapos ng kanyang post ay binigyang pag-asa ni Nadine ang mga babaeng nakakaranas din ng kanyang sitwasyon.

“Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon. Our last…”

Narito ang buong post ni Nadine Samonte:

The post Nadine Samonte, emosyonal na humingi ng panalangin dahil sa health condition ng kanyang asawa at anak ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments