Sa mundo ng showbiz at telebisyon, kinakailangan na magkaroon ng isang maganda at presentable na pisikal na hitsura, lalo na sa tuwing humaharap sa kamera kung saan ipinapakita ng mga celebrities ang kanilang talento at husay sa kanilang larangan.
Isa sa dahilan kung bakit sila palaging maganda ay dahil sa imahe na kanilang hinahawakan.
Alam din naman natin na ang pagkakaroon ng magandang hitsura ay ang pinakamadaling paraan para mapansin tayo ng mga tao. Kaya naman iba’t ibang mga make-up at enhancements ang nakakatulong sa mga celebrities para sa kanilang trabaho bilang mga artista.
Kabilang na dito ang false eyelashes, maayos na kilay, matingkad na lipstick, at makapal na foundation. Ngunit alam naman natin na ang sobrang paggamit ng make-up ay maaaring makapag-resulta ng facial damage.
Kaya hindi na nakakagulat pa na ayaw ipakita ng ilang mga aktres ang kanilang mukha sa publiko nang walang make-up. Ngunit, marami pa ding mga celebrity na niyayakap ang kanilang mga imperfections sa katawan katulad ng mga ordinaryong tao.
Katulad na lamang ng beteranong mang-aawit at songwriter na si Ogie Alcasid. Marami ang humanga sa video na kaniyang ibinahagi sa kaniyang social media account kung saan makikita ang kaniyang asawa na si Asia’s Songbird Regine Velasquez na kakagising lamang.
Proud na ibinahagi ni Ogie ang kaniyang asawa na bagong gising at walang suot na kahit anong make-up.
Ngunit kahit walang make-up, makikita pa din ang natural na kagandahan ni Regine na hinangaan ng marami, lalo na ang kaniyang mahal na asawa na si Ogie na lagi nakasuporta sa kaniya.
Kaunti lamang ang mga artista na matapang na humaharap sa kamera ng walang make-up. Ilan lamang din sa kanila ang yumayakap sa kanilang imperfections at handang pakita sa kanilang mga followers at tagahanga kung sino talaga sila
Kris Aquino, sinagot ang isang netizen na tinawag siyang ‘pangit kapag walang makeup’
Sinagot ng aktres at host na si Kris Aquino ang isang netizen na tinawag siyang pangit kapag walang makeup sa mukha. Sa Facebook, matapang na nagkomento ang isang netizen sa opinyo nito sa itsura ni Kris kapag walang make up.
“Pangit pala c Miss Kris pag walang makeup. Sorry just saying,” ani pa sa komento ng isang netizen.
Pero, hindi man pinatulan ang pangungutya, mas pinili ni Kris na huwag ng manlait pa.
“Beauty is in the eye of the beholder. I could so easily say a very bitchy comment about your looks right now pero bakit pa? Hindi naman ikagaganda ng buhay ko and hindi rin makakatulong sa lipunan,” sagot ni Kris.
Biniro pa itong naghirit na masaya siya na malamang gumaganda siya kapag naglalagay ng makeup.
“Siguro you need to find your happiness? And thank God di ba, ako gumaganda pag may makeup,” dagdag pa niya.
Hindi lang ito ang unang beses na sinagot ni Kris ang mga baher lalo na sa mga dinadamay ang kaniyang dalawang anak na si Josh at Bimby.
The post Ogie Alcasid, Proud Na Ipinakita Ang Mukha Ng Asawa Na Si Regine Velasquez Kapag Wala Itong Makeup! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments