Halos lahat naman ng bata ay nais na makapaglaro kasama ang kanilang mga kaibigan, kapit-bahay, o kaklase. Kadalasan ay sinusulit pa ng iba ang mga oras na maaari silang makapaglaro sa labas na isang maganda at hindi malilimutang alaala bilang bata.
Mula sa mga larong tagu-taguan, habulan, at patintero ay natuto tayong tumakbo, magkasug4t, madapa, at bumangon muli. Ngunit paano kung ikaw ay isang bata na hindi kayang lumakad o tumakbo gamit ang iyong mga paa?
Sa kwento na itinampok sa programa ng GMA Network na Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho), ipinakilala ang 10-anyos na bata mula sa Davao Oriental na si Ralph. Si Ralph ay naglalakad lamang gamit ang kaniyang dalawang kamay dahil sa kalagayan ng kaniyang mga paa.

Ayon sa kaniyang ina, noong 2 taong gulang na si Ralph ay kusa na itong natutong maglakad gamit ang kaniyang mga kamay. Gayunpaman, madalas ay nakakaramdam pa din siya ng inggit sa ibang mga bata, lalo na tuwing nakikita niya ang mga ito na masayang tumatakbo, naglalakad, at naglalaro.
Nawalan din ng gana si Ralph na mag-aral dahil sa mga pangungutya sa kaniya ng ilang mga kamag-aral at tinatawag siyang ‘lumpo’.


Maliban dito, hirap din sa buhay ang pamilya ni Ralph. Minsan ay taning asukal o kape lamang ang kanilang inuulam.
Ngunit sa kabila ng mga pangungutya at mga karanasan ni Ralph, nananatili pa din daw ang pagiging mabuting anak nito sa kanila dahil kahit may kapansanan ay tumutulong pa din ito sa pagtatrabaho sa kanilang maisan.
Hindi din nawawalan ng pag-asawa si Ralph sa buhay ay nangangarap na maging isang abogado balang araw, mabigyan ng maayos na buhay ang kaniyang pamilya, at ang makalakad ng normal gamit ang kaniyang mga paa.


Samantala, marami naman ang nalungkot at naantig sa kwento ni Ralph. Ang kaniyang kwento ay nagsisilbi din na aral para sa marami na matuto tayong magpahalaga, maging kontento, at magpasalamat sa mga biyayang ating natatanggap.
Kaawa-awang Bata, Isinilang na Walang Mga Mata
Mahiråp para sa isang magulang na magkaroon ang anak na malubhang karamdaman o nakakaåwang sitwasyon. May ilan sa mga isinisilang na sanggol ang mayroong hindi normal na kalagayan, tulad ng may pingas sa labi, walang pang-dinig, hindi makapagsalita, hindi kumpleto ang pisikal na katawan o kung minsan ay wala ding paningin.
Katulad na lamang ng isang batang kinilala sa pangalang John Dave. Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng programang Kapus0 Mo, Jessica Soho sa kanilang facebook page ang kaåwa-åwang sitwasyon ni John Dave.
Walang mga mata ang bata na lubhang kinaåwaan ng mga netizens. Mahrap din sa mga magulang ni John Dave na sina Jun Mark at Aldelfa na nakikita ang kalagayan ng kanilang anak.

“Kapag sinasama ko siya para kumuha ng module ng mga kapatid niya, maraming tanong ‘yung mga tao. May mga nagsasabi na kung anak daw nila ‘yun, hindi nila matatanggap. Sinasagot ko sila na kung ano ang ibinigay ng Diyos, aalagaan at mamahalin ko hanggang nabubuhay ako. Anak ko ‘yan eh. Mahal na mahal namin si John Dave,” pahayag ni Adelfa.
The post 10-anyos Na Bata, Patuloy Pa Din Na Nangangarap Sa Buhay Sa Kabila Ng Hirap Na Pinagdadaanan Dahil Sa Kaniyang Sitwasyon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments