Ibinahagi ng netizen na si Evangeline Rence sa kaniyang Facebook account ang kwento ng isang matandang si Cenon Ribon na nais makita ang kaniyang dalawang anak na matagal na niyang hindi nakikita.
Ayon kay Evangeline, nakasalubong niya si Tatay Cenon habang siya ay naglalakad at nakausap din niya ito tungkol sa kaniyang tanging hiling.
Nais umano ni Tatay Cenon na makita ang kaniyang mga anak na sina Cristopher Ribon at Annaliza Ribon dahil iniwan umano niya ito sa kanilang bahay noong maliliit pa ang mga ito at pagbalik niya ay wala na ang mga ito.


Saad ni Evangeline,
“Ito po si a uncle Cenon Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay.”
Matapos marinig ang hinaning ng matanda, kaagad na inalok ni Evangeline si Tatay Cenon na kuhanan ito ng larawan upang maibahagi sa social media. Laking gulat naman ni Evangeline nang inalis kaagad nito ang sombrero at tumayo ng maayos para daw sa ganitong paraan ay makilala siya ng kaniyang mga anak.

Ani Evangeline,
“naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya”
Narito ang kabuuang post ni Evangeline:
“Ito po si a uncle Cenon Ribon nasalubong ko sya kanina sa daan at nag usap kami tungkol sa mga anak nyang si Critopher Ribon at Annaliza Ribon ,dahil gusto nyang makita sila dahil maliliit padaw itong naiwan nya, pag balik nya wala na sila sa bahay nila sa Mindoro tinanong ko sya Kong gusto ba nyang picturan ko sya at ipost para Kong may makakilala sakanya sa Mindoro ay IPAAlam agad sa mga anak nito, naawa ako dahil agad nyan tinanggal ang sumbrero nya at tumayo ng maayos sana daw saganitong paraan ay makilala sya ng mga anak nya, tinanong ko sya Kong gusto mo bang picturan ko ang bahay mo at ipost ko din sabi Oo neng daanan mo doon ,kaya mamaya ang bahay naman nya ang ipost ko ,Kong sino man ang maka kita at makabasa nito paki share nalang po sanay nakarating ito sa 2 nyang anak .
“Salamat po ulit sa may konsederasyo Dios napo ang bahala sa inyong ruling sa pag share.”
Sa magkaibang post naman, ibinahagi ni Evangeline ang iba pang mga detalye upang mas mapadali ang pagtulong kay Tatay Cenon na mahanap ang kaniyang mga anak na matagal na niyang hindi nakikita.
Ayon kay Evangeline,
“Sa Kalapan City Nacoco Oriental Mindoro. ang dating asawa nya ay si Benita Dela Cruz ang anak nya ay si Critopher Ribon na ipinanganak ng Feb 17 1982 at ang balita nya raw kay Annaliza Ribon ay nag asawa na at nakatira sa Tibag papuntang Wawa. Dito po ito sa Lumbang West Cajidiocan Romblon sa pag post ko pong ito sana po ay walang mag isip ng masama dahil wala po akong ibig sabihin gusto kolang pong makatulong sa maganda. Kahit ganito ang bahay nya ay Hindi naman ito binabayaan ng kapatid nya lalo na ang kapatid nya sa bukid nakatira lagi naman ito binibiyan ng panganga ilangan nya.
“Ang hangad nya lang talaga ay makita at makilala sya ng kanyang mga anak sa idad nyang ito .
“Yon lang po at maraming salamat po ulit God Bless po sa inyo”
Napagkamalang Pulubi sa Isang Pawnshop, Hindi Inakalang Isa Palang Ama na Nagpadala ng Pera Para Sa Kanyang Anak
Marami sa mga tao ngayon ang nagiging mapanghusga dahil lamang sa pisikal na kaanyuan at estado sa buhay. Lalo na kapag may mga taong nakikitang nakasuot lamang ng hindi maayos na mga damit. Madalas itong mangyari sa mga taong marangal naman na naghahanapbuhay ngunit ang pananamit sa ang tingin ng marami ay para ng isang pulubi.
Katulad na lang ng isang matandang lalaki na kamakailan lamang ay nahusgahan dahil sa kaniyang pananamit at kaanyuan. Nakakalungkot isipin na minsan sa ganitong pangyayari lumalabas ang tunay na ugali ng isang taong mapanghusga. Isa nga rito ang naging karanasan ng matandang lalaking ito na napagkamalan ng mga tao sa loob ng isang Pawnshop na isa siyang pulubi na namamalimos.
Source: Facebook
Kaya ng nakaramdam ang matandang lalaki ng pagkakutya ay tumayo na lamang ito sa isang sulok. Ngunit laking gulat ng mga tao sa Pawnshop na kumuha ito ng customer slip na pampadala at doon nila napagtanto na ito pala ay magpapadala ng pera. Naging kahiya-hiya naman ang mga taong mapanghusga sa nasabing Pawnshop dahil sa kanilang maling akala. Dahil ang inakala nilang pulubi at namamalimos ay isa rin palang customer katulad nila.
Napag-alaman na ang matandang lalaking ito ay magpapadala pala ng pera sa kaniyang anak. Sa kabila ng kaniyang hirap sa pagha-hanapbuhay at dala na rin ng katandaan ay nagsusumikap pa rin siyang makapagpadala ng pera para sa kaniyang pamilya. Marahil ang kinitang pera ng matandang lalaking ito ay kaniyang inipon na kita at kailangan na niyang ipadala dahil siguro mas nangangailangan ang kaniyang pamilya na nasa ibang lugar.
Source: Facebook
Sa ganitong mga pangyayari dapat natuto tayo na huwag maging mapanghusga sa ating kapuwa dahil hindi natin sila kilala at nalalaman ang kwento ng kanilang buhay. Huwag tayong basta-basta titingin sa panlabas na kaanyuan lamang ngunit mas atin silang kilalanin baka hindi natin namamalayan sila pala ang mga taong higit na nangangailangan ng tulong. Nawa’y magsilbi itong aral sa lahat.
The post Matanda, Naiis Makita Ang Kaniyang Mga Anak Matapos Datnan Ang Mga Ito Na Wala Na Sa Kanilang Tahanan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments