Bilang pag mamahal sa pamilya, gagawin moa ng lahat para sa kanila. Kahit na ba dumaan ka sa butas ng karayøm o kumapit ka pa sa patalim.
Lahat ng paraang alam mo, malinis man o madumi, tanging nasa isip mo lamang ay ang makakabuti sa iyong pamilya.
Dahil sa paghaba ng enhanced community quarantine at løckdøwn, unti unti nang nauubos ang pera maging pasensya ng mga mamamayan.
Marahil ang iba ay paeasy easy lang dahil may kakayanan sa buhay, ngunit paano na lamang ang mga nasa laylayan.
Hindi na makapag isip ng matinong paraan para mabuhay habang ECQ. Mahirap para sa kanila ang tumunganga na lamang habang nakikitang umiiyak sa gutom ang bawat miyembro ng pamilya.
Kagaya na lamang ng isang ama na ito mula sa Medan Indonesia na talaga namang napuno ng pasa ang kaniyang buong katawan dahil sa bugbog na kaniyang inabot matapos mahuling magnanakaw ng 5 kilong bigas.
Ayon sa kaniya, nagawa niya lamang ito dahil takot na takot siyang magutom ang kaniyang pamilya at dumating na nga ang araw na wala na talaga siyang maipakain.
Agad namang inaksyunan ng mga otoridad ang tungkol dito. Personal nilang tiningnan ang tahanan ng naturang lalaki at napag-alamang totoo ang lahat ng kaniyang sinasabi.
Ang kaniyang mga mag ina ay pansamantalang nananatili sa kaniyang biyenan dahil nga hindi niya makayanan ang pagtustos ng pagkain para sa kanila.
Ang kaawa awang amang ito ay halos ikamåtåy na ang matinding bugbøg na naranasan para lang may maipakain sa pamilya.
0 Comments