Marami sa atin ang mga mahihilig mag-alaga ng iba`t-ibang hayop dahil sa pamamagitan daw ng pag-aalaga ng hayop o pagkakaroon ng pet sa bahay nakakatulong ito makabawas ng stress o makapagpawala ng pagod kapag sila ay inaalagaan.
Marami ang pwedeng alagang hayop sa ating bahay ang ilan sa mga yan madalas na ating nakikita ay ang aso, pusa, isda at mga ibon.
Ngunit mayroon isang dalaga na kakaiba ang taste pagdating sa pagpili ng aalagaang hayop. Kaya naman ito ay naging agaw pansin at usap-usapan sa social media.
Siya si Chalwa Ismah Kamal 14 taong gulang mula sa bansang Indonesia hindi tulad ng ibang babae o ordinaryong tao si Chalwa kung ang iba ay tumatakbo sa takot kapag nakakakita ng ahas si Chalwa ay iba ginawa pa niya itong alaga at hindi lamang isa kundi anim na naglalakihang mga python ang kanyang inaalagaan at nilalambing na walang katakot-takot.
Humanga naman sa kanya ang mga netizen nanakakapanoon sa kanya sa mga video na kanyang ina-upload sa Instagram at Tiktok kasama ang mga alagang ahas, Ang iba naman sa mga netizen ay hindi mawala ang mag-alala na baka mapahamak ang dalaga.
Sa panayam sa dalaga ng Indonesian website na Lampung77, sinabi nito na kasama niya ang mga alagang ahas sa bahay simula noong 4 na taong gulang palang siya.
Sinabi rin ng dalaga na wala dapat ikatakot sa mga alaga niya at wala dapat ipangamba ang mga netizen dahil maamo at hindi raw nakakalason ang kanyang mga alagang python taliwas sa iniisip ng marami.
Makikita naman sa ilang video ng dalaga na tila komportable lang din ang kanyang mga kapatid at wala rin mga takot ito sa alaga nilang ahas.
Halos isang buwan palang ang nakakalipas ng simulang ipakita at ibahagi ni Chalwa ang mga video ng kanyang alagang python sa social media sa ngayon ay mayroon na itong halos 10,000 followers.
0 Comments