Natural lamang sa mga tao ang pag papaganda lalo na kung mayroon silang pera. Ngunit minsan ay mas minamabuti nilang mag DIY o DO IT YOURSELF na lang dahil nga sa mas makakatipid DAW dito.
Ang lahat ng bagay ay may “first time” na tinatawag na kung hindi mo ito mararanasan, hindi pa din ito maaaring masundan.
Maaaring matagumpay ang iyong unang pagsusubok ngunit hindi nangangahulugan na magiging matagumpay din ang susunod lalo na kung wala itong patnubay ng mas may alam o eksperto.
Ang lahat ng parte sa ating katawan ay sensitib0 kaya dapat ingatan natin ito.
Ngunit ang isang ginang na ito ay bigla na lamang nagsisi sa kaniyang ginawang desisyon na pagkukulay sa sarili.
Ibinahagi ng kaniyang kaibigan ang kaniyang mga magagandang litrato na kung saan sinira lang ng isang chemical na tinatawag na “Paraphenylenediamine” (PPD) na nagpapatagal ng kulay sa buhok.
Ayon dito, ang ginang daw ay sanay nang mag kulay ng kaniyang buhok kaya ang kaniyang buong akala ay pare- pareho lamang ang epekto nito.
Kaya ang kaniyang karanasan ay magsilbi sanang babala para sa lahat ng nag babalak magkulay ng sariling buhok. Ugaliing kilatisin muna ang mga binibili at magsagawa ng research at reviews ukol dito.
Narito ang paliwanag mula sa DermNet NZ ukol sa chemical na naging dahilan ng Allergic Transf0rmation sa kaniyang mukha.
“Sa paggamit ng PPD, ang buhok ay maaring gamitan ng shampoo kung saan mananatili ang kulay nito.
Ngunit sa ganitong kaso, ang paggamit ng Hair Dye ay maaring magkaroon ng dermatitis sa upper eyelids or sa ibabaw ng tenga. Sa kasong ito, ito ay magiging sanhi ng paglaki sa anit o sa mukha ng isang tao.
Ito rin ay maging rason kung saan nagiging sirado ang eyelids. Ang dermatitis reaction na ito ay maaring lumaki ng lumaki.”
0 Comments