Lahat ay nagdaan sa pagiging bata, kaya naman hindi na bago sa atin ang mga ugali ng bata narito ang pagiging malikot, mabibilis kumilos at siyempre parang walang kapaguran sa paglalaro.
Kaya kung minsan napapaisip ang mga matatanda na sana’y bumalik na lamang sila sa pagiging bata na hindi napapagod at ‘flexible’ .
Samantala, madalas natin makikita ang itsura ng pag-upo ng mga bata na tinatawag na ‘W sitting’ position.
Inilarawan ito ng ilang eksperto na isang posisyon sa pag-upo kung saan ang mga bata ay ipapahinga ang kanilang mga tuhod sa sahig, kung titignan ang mga paa nito ay nasa ilalim at ang kanilang puwitan ay nasa sahig na tila nakabubuo ng letrang W ang mga binti.
Subalit ayon sa mga eksperto ay hindi maganda ang ganitong pag upo para sa mga bata dahil hindi na dedebelop ang ilang mga buto at muscles ng mga ito.
Ang pagkasanya daw sa ganitong pag upo ay maaari din mag dulot ng mas mahinang mga joints lalo na sa kanilang pagtanda, hindi rin magiging maayos ang kanilang balanse, panghihina ng kanilang muscles at maging ilang sensory Concerns.
Ilan sa mga abnormalidad na dulot nito ay ang pigeon-toed gait walking pattern, at ang tibial torsion joint abnormality.
Hinahyaaan naman ng ilang mga magulang ang ganitong pag upo ng kanilang mga anak hanggang ito ay hindi pa tumutuntong ng tatlong taong gulang kung saan mag sisimula ng magdebelop ang buto ng tao.
Walang inisip ang mga magulang kundi ang kabutihan at kaayusan ng kanilang mga anak.
Kung kaya naman habang maaga pa ay ayusin na natin ang mga bagay na balang araw ay maaaring makapagdulot ng hindi maganda sa ating mga anak lalo na sa kanilang kalusugan.
0 Comments