Looking For Anything Specific?

Badjao Girl, ibinahagi sa kanyang social media na gustong sumali sa Miss Universe

Mukhang na-inspire si Badjao Girl Rita Gaviola kay Kisses Delavin at nais na din nitong sumali sa Miss Universe.

Sa kanyang latest Instagram post, nagpahiwatig si Badjao Girl sa kaniyang mga tagahanga ng intensyon ng paglahok sa national pageant.Kung saan nasungkit nina Catriona Gray at Pia Wurtzbach ang korona.

“Soon sasali na tayo sa miss u,” saad ni Badjao Girl sa kanyang caption. Kalakip ang larawan niya na makikita ang napakaganda niyang postura.

 

Sa sumunod niyang post ay makikita ang laki talaga ng pinagbago ng kanyang itsura. Bagay na bagay kay Badjao Girl ang makeup at pati na din ang eleganteng accesories niya.

Marami naman ang na-excite sa tinuran nito kaya bumuhos ang suporta sa comment section ng kaniyang post.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Pang Miss universe tlga ang ganda ng batang to.”

“Ou sali ka. C kisses nga sumali eh. Ung mukha moh ang pang pageant talaga.”

“Sige lang pero prepare for the q and a. Madaming sobrang talino na candidates”

“Oh my Gosh, ang ganda! What a transformation from her humble beginnings”

“Magtrain ka lang galingan mo. Bagay na bagay kang beauty queen!”

Sa ilan pang Instagram post ni Badjao Girl ay makikita na napakalaki na talaga ng kanyang pagbabago. May ilan pa ngang nagbalik tanaw sa itsura niya noon at ikinumpara sa datingan niya ngayon.

 

Unang nakilala si Rita noong 2016 nang mag-viral na nanlilimos kasama ang kapatid sa kasagsagan ng Pahiyas Festival.

Sinundan ito ng pagkakapili sa kaniya upang pumasok “Pinoy Big Brother: Lucky 7” kung saan binansagan siyang “Badjao Girl ng Lucena.”

Naalala Niyo Pa Ba Yung Viral Girl Dati Na Si ‘Badjao Girl’, Ito Na Pala Ang Kanyang Buhay Ngayon At Ang Super Ganda Pa Niya

Kung ikaw ay mahilig mag facebook noong taon 2016, hinding-hindi mo talaga malilimutan ang nag-viral na litrato sa isang Pahiyas Festival sa Lucban noong taon 2016 na ang kumuha ng litrato ay si Topher Quintos Burgos.

Ang kanyang nakuhanan ay ang isang babaeng badjao na kung saan namangha siya sa ganda nito at matapos mag viral ang kanyang mga larawan ay agad itong tinawag bilang si Rita Gaviola o “Badjao Girl”.

Ngunit sa mga hindi nakakaalam na noong nakuhanan ng litrato si Rita Gaviola ay 13-taon gulang pa lamang siya noon. Ang kanyang ama ay isang garbage collector at ang kanyang ina naman ay isang housewife. Sa murang edad ay marunong na itong dumiskarte sa buhay.

 

Matapos mag-viral ang kanyang mga larawan, maraming mga opportunidad ang napunta kay Rita isa na dito ang pagiging commercial model, at miyembro ng PBB house.

Ngunit ang tanong ng karamihan kung ano na nga ba ang nangyari kay Rita Gaviola at kumusta na kaya ang kanyang buhay ngayon.

Well, ito na pala siya ngayon at sa maniwala kayo o sa hindi ang laki ng kanyang pinagbago. Mas lalo na itong gumanda na talaga namang ikinamamangha ng maraming netizens.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon. Para sa iba pang latest trending topics na kwento, wag mag atubiling pindutin ang link sa aming Facebook page na Daily Update para mag-like at mag-follow. Maraming Salamat.

The post Badjao Girl, ibinahagi sa kanyang social media na gustong sumali sa Miss Universe appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments