Looking For Anything Specific?

Babaeng kasama ni Jon Gutierrez sa larawan umani ng samut-saring komento ngayon

Tila hindi na talaga nawala ang galit ng netizens kay Jon “King Badger” Gutierrez.

Magmula ng umugong ang balita na muling nagkaroon ng ibang babae si King Badger ay hindi na siya tinigilan ng mga bashers.

Marami kasi sa fans nila ni Jelai Andres ang nagalit dahil muli na naman niyang pinaiyak ang aktres. Inakala kasi ng nakararami na magkaka-ayos na sila last year.

Ngunit nitong Hunyo lamang ay dumulog sa Department of Justice si Jelai para sampahan ng kasong concubinage ang asawang si Jon. Pati na din ang isang alleged other woman at ilan pa umanong taong kumukunsinti sa pakikiapid umano ni Jon.

Nag-desisyon si Jelai na sa korte na raw lahat idadaan  ang mga reklamo niya laban sa asawa. Tila sa nangyayari raw kasi na siya na ang niloko at ginawan ng kasalanan ay parang siya pa ang inaapakan.

Gayunman, hindi nagsampa ng counter affidavit ang kampo ni Jon at tumanggi ring magbigay ng pahayag.

Nabanggit din ni Jelai na inaayos na niya ang annulment ng kanilang kasal.

Taon 2018 nang ikasal ang dalawa. Matatandaan na madalas mag-away ang dalawa sa social media.

Noong una ay dahil kay Toni Fowler at nitong huli ay kinilalang isang Yumi Garcia ang naging bagong babae ni Jon.

Samantala, ilang buwan na ang nakakalipas ay hindi pa din humuhupa ang galit ng mga fans ng JoLai.

Pinutakte na naman nila ng komento ang larawan ni Jon na may kasamang ibang babae.

Narito ang ilan sa komento sa kanyang post:

“Meron ka nanamang nabudol na babae. Tsk!”

“Picture now eut later haha ikalma mo ang kikiam mo haha”

“Hahahaha kala ko si jelay malapit na magkapareha mata nila”

“di na magiging kabet yan.. kasi maghihiwalay na ung jolai remember on going na ang annulment”

Ikaw anong say mo dito?

Jon Gutierrez, ipina-tattoo ang mata ni Jelai Andres sa kanyang binti sa gitna ng kontrobersiya nilang mag-asawa

Jon Gutierrez hindi tumitigil sa pagsuyo sa kanyang misis na si Jelai Andres.

Sa mga nakalipas na buwan ay naging mainit na usapin sa social media ang kontrobersiyang kinasasangkutan nina Jon at Jelai.

Napabalita kasi na muli na namang nahuli ni Jelai ang asawang si Jon na may bagong babae na naman.

Kung matatandaan, unang naging dahilan ng kanilang hiwalayan noon ay ang pangbabae ni Jon.

Bago sila ikasal noong 2018 ay nahuli na niya ito at natukoy na ang babae ni Jon ng mga panahon na iyon ay si Toni Fowler.

Naulit namang muli ito noong 2019, at tuluyan na ngang naghiwalay sina Jon at Jelai.

Hindi na sila nagsama sa iisang bubong at lumayo na sa isa’t-isa.

Pero hindi tumigil sa panunuyo si Jon sa kanyang misis, muli niya itong niligawan at pinapaibig.

Gumawa pa nga siya ng kanta para sa asawa, at doon ay muling nagkamabutihan sila.

Muling nagkasama ang JoLai sa mga vlogs, at pati na din sa ilang programa sa Kapuso Network.

Di pa man sila nagsasamang muli sa isang bahay ay naging magkaibigan at maayos na uli ang pakikitungo nila sa isa’t-isa.

Inabangan na nga ng kanilang mga fans ang kanilang muling pagbabalikan.

Ngunit hindi ito natuloy at tila nasira na ng tuluyan ang kanilang relasyon.

Ito ay nang mahuli nanamang muli ni Jelai na may bagong babae na namang kinalolokohan ang kanyang mister.

Nagdesisyon na nga si Jelai na magsampa ng kaso laban kay Jon at nais niya ng ipawalang bisa ang kanilang kasal.

Ngunit gayunpaman, hindi tumitigil si Jon ng panunuyo sa kanyang misis.

Kamakailan nga lang ay ipina-tattoo ni King Badger ang mata ni Jelai sa kanyang binti.

Upang mapatunayan na handa na siyang magbago at si Jelai lamang ang kanyang mahal.

Tingin ninyo rurupok ba ulit si Jelai dito?

The post Babaeng kasama ni Jon Gutierrez sa larawan umani ng samut-saring komento ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments