Mga batikos at negatibong komento ngayon ang natatanggap ng columnist na si Cristy Fermin mula sa online community. Ito ay dahil sa mga patutsada ni Cristy kay Jinkee Pacquiao matapos ang pahayag ng ilang mga netizens na ginagaya umano ng huli ang aktres na si Kristine Hermosa.
Ani Cristy,
“Siguro naman ay hindi ‘yun sadya ni Aling Jinkee. Kahit ano naman siguro ang gawin niya, kahit subsob pa niya sa uling ang mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon.”
Sambit pa niya,
“Eh si Jinkee, alam naman natin kung anong pinagdaanan ng kagandahang pinanghahawakan nito ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo.”


Kaagad naman nakatanggap ng batikos mula sa online community ang kolumnista at sinabi na palibhasa ay walang pera si Cristy kaya ganoon na lamang ito makapuna kay Jinkee.
Matapang na pahayag ni Cristy,
“Wala daw po akong pera na ipaparetoke, kaya daw ko po pinipintasan si Jinkee. Unang-una po, hindi ko po kailangan ng pera para makapagparetoke.”
Ayon sa kolumnista, marami daw na nagaalok sa kaniya na magparetoke, lalo na ang kaniyang mga anak-anakan na doktor ngunit siya mismo ang tumatanggai sa mga ito.


Paliwanag niya,
“Si Dra. Vicki Belo na anak-anakan ko, isa lang ang sasabihin, ‘Nanay, wala kang gagawin, hihiga ka lang’.
“At kung sakali naman po mga kapatid na akoý mabibiyaan ng malaking halaga, hindi pa rin po ang pagpapaayos ng mukha ang aking patutuunan. Yung mga pangunahing pangangailangan pa rin po ng aming pamilya, yun pa rin po.”
Sinabi pa ni Cristy na bawat tao ay mayroong kani-kaniyang desisyon at nais gawin. May iba na gustong magpaganda at mayroon din naman daw na walang pakeelam sa kanilang looks at masaya na sa kung ano ang mayroon sila.


May ilan na nagsabi na pinupuna ng kolumnista ang mga taong nagparetoke gayong siya ay nagparetoke din naman. Ngunit ito ay kaagad na itinanggi ni Cristy.
Saad niya,
“Mag-aalis po ako ng salamin. Ayan po mga kapatid. Kung nagparetoke po ako, itong ilong ko na taga-Sarrat Ilocos, eh di dapat tumayo na ‘to. Nagkaroon na sana ako ng bridge.”
“Pero wala po, hindi rin po ako nagpapa-inject ng kung anu-ano. Hindi rin po ako nagpapa-lift lift ng kung anu-ano. Wala po sa akin yun. Hindi ko po ano yun.”


Patutsada pa niya,
“Nagpakatotoo lang naman po ang tao. Wala pong krimen dun.
“Ang krimen po ay yung nagpagawa pero ide-deny.”
Saad ni Cristy ay nagpakatotoo lamang siya sa kaniyang naging pahayag. Ibinahagi din niya na simula noon ay nasubaybayan na niya si Kristine at ang kagandahan nito na walang bakas na kahit anong retoke. Sinabi pa ni Cristy na nakita na niya ang hitsura ni Jinkee noong ito ay hindi pa nagpapaayos at talaga daw na malaki ang pagbabago ng hitsura nito ngayon kumpara sa dati.
Di papapigil! Cristy Fermin, may maanghang na komento muli kay Jinkee, tungkol sa pagkakahawig di umano nito kay Kristine Hermosa

Di papapigil! Cristy Fermin ay muling nagkaroon ng prangkahang puna tungkol kay Jinkee Pacquiao.

Kamakailan lang ay naipalabas ni Cristy Fermin ang kanyang lantad na saloobin sa mga komento ng netizens na sinasabing kinokopya di umano ni Jinkee Pacquiao ang beauty ni Kristine Hermosa.


Noong Setyembre 15, sa episode ng kanyang programa na Cristy Ferminute, tinalakay nito ang tungkol sa mga posibleng dahilan kung bakit ang asawa ni Senador Manny Pacquiao ay nagiging Kristine look-a-like na ngayon.

Pinagbasehan ng kolumnista ang latest issue ng Luxury Trending Magazine na kung saan si Jinkee ang cover.

“Marami nga na nakapansin na mayroong ilang pictures doon na magkahawig sila ni Kristine Hermosa.”
Dagdag pa nito,
“Pero, ‘di ba, si Paolo Ballesteros super galing sa panggagaya sa mukha ng sikat na personality? ‘Di ba mayroon ding mga babae, kapagka magpapagupit sa parlor sasabihin, ‘Gusto ko ‘yung gupit ni LT, gusto ‘yung ganoon sa Star for All Seasons’, ‘Di ba may gano’n?”

Pagkatapos ay nagpatuloy si Cristy upang pag-usapan ang likas na kagandahan ni Kristine.

“Siguro naman ay hindi ‘yon sinadya ni Aling Jinkee. Dahil kahit ano naman siguro ang gawin niya, isubsob pa niya sa ulo niya mukha niya, hindi niya makakahawig si Kristine Hermosa. Dahil si Kristine, tunay, organic, walang operasyon, ‘di ba?”

Sa pagpapatuloy nito, binigyang diin ni Cristy ang mga pinagdaanan ng beauty ni Jinkee sa tulong ni Dra. Belo,
“E si Jinkee alam naman natin kung ano pinagdaanan ng kanyang kagandahang pinaghahawakan ngayon. If you want to look beautiful, go to Belo. ‘Di ba, gano’n? At talaga namang naging kliyente siya ni Dra. Vicki Belo at naging endorser pa nga ng isang produkto.”

Kung ating babalikan, kamakailan lamang ay nagkaroon na ng tensyon sa pagitan ni Jinkee at Cristy dahil sa mga naging puna ng huli sa asawa ng boxing champ.

Nauna nang ipagtanggol nila Annabelle Rama at Korina Sanchez si Jinkee mula sa mga b4shers nito na pinupuna ang magarbong pamumuhay at style ni Jinkee.

Panoorin ang nasabing talakayan sa 18:25 part ng video na ito:
Ano pong masasabi niyo dito?
The post Cristy Fermin, Bwelta Sa Mga Bash3rs: “Hindi ko kailangan ng pera para magparetoke” appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments