Looking For Anything Specific?

Batikang aktor na si Albert Martinez, ipinakita ang mga nakolektang mamahaling sasakyan na aabot ng ngayon 21 piraso

Certified car collector pala ang aktor na si Albert Martinez.

Sa loob ng higit apat na dekada, ipinamalas ni Albert Martinez ang kaniyang husay sa pag-arte.

Mapa-drama, action, o daring roles man.

Sa dami ng kaniyang naging proyekto, tila mayroon nang beautiful collection of first-rate leading ladies si Albert

Nito lamang nakaraan sa programa ng Kapuso network na “Tunay na Buhay”, ay ibinida ni Albert Martinez ang kanyang mga naggagandahang classic car collections.

Kuwento ni Albert, bata pa lamang siya ay hiniling na niyang magkaroon ng mga classic na kotse,

Lalo na ang Mercedes-Benz SL. Ngayon, ipinapagamit niya rin ang mga ito sa kaniyang only son na si Alfonso.

Ayon nga kay Albert lahat ng mga koleksyon niya ng sasakyan ay katas ng naging pagsusumikap niya bilang isang aktor sa industriya ng showbiz. At sa kasalukuyan umano, ay mayroon na siyang dalawampu’t isang car collection.

Taong 1995 ng simula umano ni Albert ang pangongolekta ng sasakyan, gamit ang perang kinikita niya sa pag-aartista.

Hanggang sa hindi na nga niya namalayan na napakarami na pala ng kanyang mga koleksyon.

At dahil nga sa napakarami na ng kanyang klasikong sasakyan, ay ang iba nga umano nito ay ipinarada niya sa garahe ng kanyang kaibigan sa Bulacan, kung saan ay kapareho rin niya ito ng kinahihiligan.

Sa kabila ng pagiging klasiko ng kanyang mga koleksyong sasakyan, ay ibinahagi ni Albert na nasa good condition lahat ito.

Sinisigurado umano niyang well maintained ang lahat ng kanyang mga sasakyan.

Maliban sa pangongolekta ng mga kotse, hilig din ni Albert ang off-roading, na nagsisilbing bonding na rin ng kaniyang pamilya.

Panoorin dito ang kanyang panayam:

Kilalanin ang bagong girlfriend umano ni Albert Martinez na may 40yrs ang age gap sa kanya ayon kay Lolit Solis

So what kung mu­ling magmahal si Albert Martinez? Matagal na siyang balo. May kanya-kanyang pamilya na ang kanyang mga anak. May mga apo na siya at namumuhay na mag-isa.

Ito ang naging pahayag ni Lolit Solis sa bali-balitang relasyon umano ni Albert sa Kapuso actress na si Faith Da Silva.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Manay Lolit ang kanayang saloobin ukol sa 40yrs. age gap ng dalawa.

Ayon sa batikang kolumnista ay wala naman umanong masama dahil parehas umanong single sina Albert at Faith.

Matagal naman na umanong balo si Albert at nasa tamang edad na si Faith.

“Kung sakali maganda ngang team up dahil at least bata pa ang magiging misis ni Albert na makakasama niya sa buhay,’ saad ni Lolit.

“At dahil matagal ng solo, baka nga nalungkot kaya naghanap ng makakasama sa buhay. At hindi naman masama na bata sa kanya ng 40 years ang mapili niya, guwapo parin at maganda pa ang physique ni Albert sa kanyang edad.”

Pagpapatuloy niya pa, “Matatanggap naman siguro ng mga anak ni Albert na magkaruon siya ng bagong kasama sa buhay”

“dahil siyempre malungkot itong mag isa. At iyang love affair na iyan nangyari sa taping ng kanilang serye sa GMA7.”

 

Consistent ang rumor kina Albert at anak ni Dennis Da Silva na si Faith

Magkasama ang dalawa sa lock-in taping para sa teleseryeng Las Hermanas.

Nauna na itong na-blind item sa Take It… Per Minute, Me Ganon weeks ago na ibinuking ni Lolit sa programa nila nina Cristy Fermins and Mr. Fu.

Uso na umano ngayon ang May-December affair kaya wala naman sigurong problema kung sila nga.

The post Batikang aktor na si Albert Martinez, ipinakita ang mga nakolektang mamahaling sasakyan na aabot ng ngayon 21 piraso appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments