Looking For Anything Specific?

Dalagang tindera hinangaan matapos maging estudyante sa umaga, Panda Girl naman sa hapon at gabi!

Likas na ang pagiging madiskarte at masipag sa ating mga Pilipino mapa-lalaki man o babae walang inuurungan basta para sa pamilya.

Katulad na lamang sa ipinakitang kasipagan at diskarte ng isang dalaga na ito na umani ng paghanga at papuri sa mga netizens.

Siguro ang iniisip ng iba ay lalaki lamang ang makakagawa ng ganitong trabaho subalit ang babaeng ito ay pinakitang kung kaya ng lalaki ay kaya rin ng mga kababaihan.

Sa Facebook post ibinahagi ng nagngangalang Andrea Kate Mendoza ang kanyang naging karanasan sa buhay ngayong panahon ng pandemya.

Kung saan pinahanga niya ang mga netizen sa kanyang kasipagan at pagiging madiskarte sa kabila ng pagiging isang babae.

Ayon kay Andrea Kate marami siyang pinagkakaabalahan araw-araw, Siya raw ay nagtitinda, Nag-aalaga ng pamangkin at may online class sa umaga pagsapit naman daw ng hapon hanggang gabi ay isa siyang Panda Girl.

Ang lahat daw ng ito ay ginagawa niya sa edad na 21 taong gulang at 2nd year college sa kursong BSCE sa Technological Institute of the Philippines.

“Magtitinda, Mag-aalaga ng pamangkin at online class sa Umaga . PandaGirl sa Hapon. Im 21 years old po. 2nd year college at technological Institute of the Philippines. course of BSCE (Bachelor of Science in Civil Engineering)”

Dagdag pa ni Andre, last year pa raw siya nagsimulang magtrabaho bilang isang food panda rider. Naisipan niya raw maging riser dahil sa nararanasang pandemya dito sa ating bansa. Kung saan ay nais niyang makatulong sakanyang pamilya na mabayaran ang kanyang tuition fee.

“Last year, November lang po ako nagstart mag food panda po. Naisipan ko po mag food panda sa kadahilanan para makatulong rin po ako sa magulang ko pambayan ng tuition dahil nga po sa pandemic marami na rin po ang Nagbago at nawalan ng trabaho.”

Samantala, sa kabila ng hirap na nararanasan ay malaki ang tiwala ni Andrea sa Diyos at naniniwala ang dalaga na hindi siya pababayaan nito sa kanyang bawat biyahe.

“NANINIWALA PO AKO NA DIYOS AY BUHAY SIYA PROVIDER KO NA HINDI AKO PABABAYAAN. ORDER NA KAYO SA FOOD PANDA”.

Kitang kita kay Andrea ang kanyang dedikasyon upang makatulong sa pamilya. Ngunit ang labis na kahanga-hanga sa dalaga ay hindi niya ikinahihiya ang kanyang trabahong pinasok. Na sinasabi ng iba na ito ay trabaho para sa lalaki.

“SILA: Buti hindi ka nahihiya kasi ang bata mo pa tapos babae ka nag-fo-food panda ka?,
ME: Hindi po marangal naman po trabaho ko bakit po ako mahihiya.”

Source: Facebook

Post a Comment

0 Comments