Tila mas lalong nagiging mukhang fresh ang Kapuso actress na si LJ Reyes.
Habang patuloy na binabatikos si Paolo Contis ng mga bashers sa social media, nagsisilbi namang inspirasyon ng mga kababaihan si LJ dahil sa tapang at matatag na paninindigan nito.
Maraming netizens ang natuwa nang makita nila ang litrato ni LJ habang nag-eenjoy sa New York Fashion Week (NYFW) ilang linggo na ang nakakalipas.
Ito ang unang public appearance ng aktres mula nang umalis siya ng Pilipinas at magtungo sa Amerika pagkatapos nilang maghiwalay ni Paolo. Kasama niyang nagtungo roon ang dalawa niyang anak na sina Aki at Summer.

Kasunod naman nito ay ibinahagi ni LJ ang kanyang “balik alindog program”. Kung saan makikita ang kanyang intense workout kasama ang anak na si Summer.

Makikita ang determinasyon ng aktres upang maibalik ang ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Mas naaliw nga ang kanyang mga fans dahil kasama pa niya ang kanyang bunso habang nag-eehersisyo.

At sa kanyang latest photos sa Instagram, isang fresh na LJ muli ang nasilayan ng publiko. Suot ang old rose terno suit ay kitang kita ang pagka blooming ng aktres
Agad ngang umani ng papuri ang mga litrato ng Kapuso actress mula sa maraming netizens. At mga kaibigan niya sa industriya.

Ayon sa mga netizens, tama lang ang ginagawang pag-eenjoy ngayon ng aktres sa kanyang buhay. Sa halip daw na magkulong siya sa bahay at dibdibin ang paghihiwalay nila ni Paolo, magpakaligaya siya at muling magbuhay-dalaga.

Sa ngayon ay wala pang kongkretong plano si LJ kung ano ang susunod niyang gagawin sa buhay nilang mag-iina.
LJ Reyes at mga anak, nagdesisyong lisanin ang bansa, lumipad na patungong New York


Lumipad na papuntang New York si LJ Reyes kasama ang kanyang dalawang anak.

Noong September 1, ipinalabas ang kabuuang interview niya kay Boy Abunda sa YouTube channel ng huli.

Sa teaser palang na inilabas ng The Interviewer ni Boy Abunda obvious nang kinumpirma na ni LJ. Ang hula ng mga Netizens na hiwalay na nga sila ni Paolo.

Kasabay ng pagkumpirma na hiwalay na sila ni Paolo Contis, nagbigay ng ilang detalye si LJ tungkol sa nangyari sa kanilang relasyon para maituwid ang ilang maling impormasyon na kumakalat.

Sa panayam ni Tito Boy, ipinaliwanag ni LJ kung bakit kinailangan nilang iwan ng kaniyang mga anak si Paolo.

Ayaw magkomento ni LJ patungkol sa mga usap-usapan na may “third party” na sangkot sa kanilang paghihiwalay.

“Sa totoo lang kung ano man yung third party na sinasabi nila, its actually the least of my concerns,” sabi niya.

Sa nakalipas na dalawang buwan, sinabi ng aktres na mayroon siyang mga natutuklasan.
Kinumpirma din ni LJ kay Boy Abunda na last week pa siya umalis papuntang New York.

Kasama ang dalawang anak niya. Si Aki na anak niya kay Paulo Avelino at si Summer na anak nila ni Paolo.

Dual citizen si LJ kaya madali para rito na makaalis ng bansa kahit na may pandemic. Nasa US din ang kanyang ina at kapatid.

Isang linggo na sila roon pero wala siyang binanggit kung hanggang kailan sila sa Amerika basta ang sabi lang niya, “Gusto kong protektahan ang mga anak ko, malayo sa sitwasyon.”

20 years ng naninirahan ang ina ni LJ sa New York. Lumipat ito taong 2001.
The post Short hair can’t care! Maaliwalas na looks ngayon ni LJ Reyes mas lalong pinuri ng mga netizens: ‘Pa onti-onti nakaka-move on kana.’ appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments