Tunay na mapupulutan ng aral at inspirasyon ang kwento ng isang kasambahay na nakapagtapos bilang magna cum laude. Kilalanin ang 30-anyos na si Grace Labradoe Bacus, na nagviral sa social media matapos nyang ihayag ang kwento ng kanyang paglalakbay upang makapagtapos ng pag-aaral.
Mula sa mahirap na pamilya si Grace at pangatlo sa siyam na magkakapatid. Dahil rito ay maaga namulat sa responsibildad si Grace sa pagtulong sa pamilya at mga kapatid. Dumating ang panahon na kailangan na niyang isuko ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral dahil hindi na kayang tustusan ito ng kanyang mga magulang. Sapat lamang umano ang perang kinikita ng magulang niya bilang pangkain nilang pamilya.

Sa awa ng Diyos ay natapos niya ang highschool bago pa man niya kailanganin tumigil sa pagaaral para magbigay daan sa pag-aaral ng mga nakababatang kapatid. Nais niyang tulungan ang kanyang mga magulang kaya naman ay namasukan siya agad bilang katulong. Nagkaroon siya ng sapat na pera upang maipasok sa eskwela ang kanyang mga kapatid at nakakaipon rin siya para sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo.
26 anyos na siya nang magkaroon siya ng sapat na pera upang makapasok sa kolehiyo. Kinuha niya ang kursong Bachelor of Science Major in English sa Talisay City College dahil na rin sa pangarap niyang maging isang guro.

Sa mga panahong iyon ay mayroon pa siyang mga nakababatang kapatid na kailangan niyang alagaan dahil madalas maiwan ang mga ito sa bahay sa pagsusumikap ng kanyang mga magulang na kumita ng pera. Isa ito sa mga dahilan kaya may mga pagkakataon na hindi makapasok sa klase si Grace.
Hindi nagustuhan ng kanyang guro ang pag-aabsent sa klase kaya naman ay napagsabihan siya nito nang, “You’d better quit school because you don’t need a degree in taking care of children.”

Masakit man at nakakapanghina ng loob ang mga sinabi sa kanya ng kanyang guro ngunit ginamit niya ito upang pagbutihin pa ang pagaaral. Aniya, “Yes, word for word, I could still hear you say that. It was engraved in my heart. That the person I expected to understand me was the same person who broke me into pieces for she was supposedly my ADVISER, my second parent.”

Lalo lamang nagtulak ito na paghusayan ang pag-aaral at maging mabuting guro sa mga magiging estudyante nito. Pinalad naman si Grace dahil nakapagtapos siya sa kolehiyo bilang magna cum laude.
Isang kwentong nakakaantig ng puso ang buhay ni Grace ngunit nang dahil sa kanyang pagsisikap ay nakamit din niya ang pangarap na noon pa man ay hinihiling niya.
Netizen, Binatikos si Sharon Cuneta Dahil sa Pagtrato Nito sa Kasambahay Niya sa Publiko!

Sa social media, hindi maiwasang ma-expose sa mga kontrobersya ang mga celebrities. Kahit pa simpleng bagay ay pinupuna ng mga bashers, kaya naman maging mga sikat na artista ay hindi ligtas sa kanilang mapanghusgang mata. Kabilang na sa kanila ay ang beteranang aktres na si ‘Megastar’ Sharon Cuneta.
Taong 2019 nang maging usap-usapan sa social media ang di umano’y treatment ni Sharon sa kanyang mga kasambahay.
Sa Instagram, isang netizen ang pumuna kay Sharon dahil pinagsusuot nito ng uniporme sa publiko ang kanyang mga yaya. Ayon sa netizen, dapat ay wala ng suot na uniforms ang mga ito:


“Ang panget lang sa public na nakasuot ng uniform ang mga yaya. Dapat walan uniform ang mga yaya,” pahayag ng Instagram user. Nakatanggap rin ng maraming likes ang comment na ito, at maging ibang netizens ay sumang-ayon sa kanyang opinyon.
Hindi naman pinalagpas ni Sharon ang komentong ito. Sinagot ito ni Sharon, at diretsahan pang sinabi ng Megastar na pwede nilang tanungin ang kanyang mga kasambahay kung paano sila tina-trato:
“Maybe those who find it not nice that our yayas wear uniforms in public should meet them somehow and ask them how they are treated by me,” sagot ni Sharon sa basher.


Dagdag pa niya, parang pamilya na rin ang turing nila sa kanilang mga kasambahay. Kaya naman hindi nila ito pinapabayaan. Nasanay na rin daw si Sharon at ang kanyang mga anak na ‘yaya’ ang tawag sa kanilang mga kasambahay, ngunit hindi daw ito derogatory term para sa kanila.
“Yaya to us is an affectionate term, which is why even our cook and and lavandera and all around helpers are called yaya. Mahirap naman to call my yaya ‘Guardian Hanzel.’ Hahaha!”
Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang agree kay Sharon at pinagtanggol ito mula sa bashers. Ayon sa kanila, walang masama sa pagsusuot ng uniform ng mga kasambahay, lalo pa’t mas pormal din itong tignan sa publiko.

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook.
The post Dating kasambahay, magna cum laude na ngayon sa edad na 30 appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments