Aminado si Paul Jake Castillo na siya mismo ang nagpatigil sa misis na si Kaye Abad sa pag-aartista.
Sa kanilang latest vlog, sumabak sina Paul Jake at Kaye sa “Jojowain o Totropahin” challenge.
Dito ay naibunyag na si Paul Jake mismo ang nagpahinto ka Kaye sa pag-aartista. Nag-umpisa ang usapan ng sabihin ni Kaye na inirereto niya pa noon sa iba ang mister.

“Sa mga hindi nakakaalam, nireto ko pa siya sa mga kaibigan ko. So normal sa amin… Barkada naman kami…” saad ni Kaye.
“Nirereto ko siya sa friends ko, so alam ko naman kahit papano ang mga type niya. Pero sabi niya dati, ayaw niya ng artista. Pero yung mga naging girlfriend niya, puro artista,” natatawang dagdag pa ng aktres.

Biglang singit naman ni Paul Jake, “Kaya nga pinatigil kita, di ba?”

Naikwento din noon ni Kaye na hindi sila dumaan sa ligawan ng kanyang mister.

“Hindi naman kami nagligawan. Magkaibigan kami before,” saad ni Kaye, kung saan magkakabarkada pa sila ni Paul Jake kasama rin sina Jason Abalos at Beauty Gonzales.

May kaniya-kaniya raw silang relasyon noon nina Jake, pero pareho silang humantong sa break-up.

“Umabot kami sa point na we still hang out and then hinanapan ko pa siya ng date kasi matagal na siyang walang girlfriend. Hanggang sa bigla na lang sabi nila, ‘Bakit hindi na lang kayo kasi bagay kayo, magkasundo kayo?’”

“Ayoko pa at that time, sabi ko, ‘Hindi talaga puwede… Parang hindi ko ma-imagine ‘yung kaibigan ko hahalikan ko,’” dagdag niya.

Pero noong isang beses na mag-Europe si Paul Jake, naramdaman na ni Kaye na tila nami-miss niya ito.
Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:
Video ni Gretchen Barretto na kasama si Atong Ang sa sabongan umani ng samut-saring komento ngayon

Muli na namang namataang magkasama sina Atong Ang at Gretchen Barretto sa isang sabungan.
Isang video sa Facebook na ngayon ay burado na ang kumalat kamakailan.
Makikitang si Gretchen ang may hawak ng manok, na pagmamay-ari umano nito na kung tawagin ay “Lady Tiger.”

Makikita naman nasa tabi niya ang tinaguriang “gambling king” na si Atong Ang.

Nangyari ito sa ginanap na Matira Matibay 12-Stag Derby (4 Stag Prelims) ng GAPP-Cavite noong July 30, 2021.

Miyembro si Gretchen ng Team Alpha ng Pitmaster group, kung saan kasama rin si Atong.
Makikita rin ang plugging ng kumpetisyon sa Instagram ni Gretchen na ibinahagi niya noong July 14.
Hindi maiwasan ng ilang netizens na tuksuhin ang dalawa.
Nauna ng itinanggi ng actress noong 2019 na may relasyon ito sa negosyanteng si Ang.

Noong Nobyembre 2020 ng masangkot sa kontrobersiya ang dalawa na nakitang magkasama habang kausap ang mga sabong operators na nagresulta sa paglabag sa health protocols.

Nalabag ang quarantine protocols sa social distancing matapos magkumpulan ang mga tao.
Sa isang sikat na resort sa nasabing bayan upang makita si Gretchen.
Inihayag naman ni Janiuay Mayor Bienvenido Margarico na nag-courtesy call ang dalawa sa kanya sa munisipyo pero hindi na raw siya nakasunod sa resort.
Balitang ang layunin ni Atong ay mabisita ang Barangay Gines, Lambunao, na iminumungkahing venue para sa online cockfighting derby sa Panay Island.
Dati nang magkasyoso sa ilang negosyo sina Ang at Barretto, kabilang na ang pago-operate ng sabungan at casino. Ito ang tinurong dahilan ni Ang noon, kung kaya’t madalas din silang nagkakasama ni Barretto.
The post Paul Jake, tapat na inamin na ipinahinto niya sa pag-aartista ang asawang si Kaye Abad noon dahil ayaw magkaroon ng jowang artista appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments