Looking For Anything Specific?

Dingdong Dantes, Isa Ng Ganap Na Liutenant Commander sa Philippine Navy Reserve Force

Karamihan sa mga artista ngayon ay nagkakaroon sila ng kanilang ibang propesyon bukod sa kanilang pagiging artista. Ito ay marahil ang kanilang pagiging artista ay hindi panghabambuhay kaya kinakailangan pa rin nilang magkaroon ng isang propesyon na maituturing na diplomang panghahawakan.

Ang iilan sa kanila ay nakapagtapos na ng pag-aaral samantala ang iba naman sa kanila ay hindi pa nakakapagtapos sa kanilang pag-aaral kung kaya’t habang silang nagtatrabaho bilang artista tinatapos nila ang kursong kanilang ninanais na makamit.

Katulad na lamang ng GMA best actor na si Dingdong Dantes na kamakailan lamang ay kanyang nagawang matapos ang kanyang training sa Philippine Navy kung kaya’t ito ay isang ganap nang opisyal ng hukbo.

Ngayon, ay isa na sa mga itinuturing na bayani si Dingdong ng kanyang pamilya at ng sambayanang Pilipino dahil isa na siyang ganap na Lieutenant ng Hukbong-dagat ng Pilipinas.

Ang kaganapan itong ay ibinahagi mismo ng kanyang asawang si Marian Rivera sa kanya mismong social media account. Dito makikita ang mga larawan kung saan siya ay itinatalaga ng ganap na miyembro ng Philippine Navy.

Ayon sa post ni Marian, “Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super Proud of you my husband. Salute!” Kitang-kita sa mga larawang kanyang ibinahagi kung gaano kasaya ang kanilang buong pamilya sa natamo nitong tagumpay.

Ito ay siguradong pinaghirapan ni Dingdong jat talagang hindi biro ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang lahat ng ito. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa buhay at naipon na ari-arian sa kanyang pagtatrabaho bilang artista, ginawa niya pa rin ang bagay na ito upang makapagserbisyo sa bayan.

Tunay nga na ang iilan sa ating mga tao ay kontento na sa kung anong meron tayo at hindi na naghahanap ng ibang daan upang mas palawakin ang ating kaalaman at kakayahan sa ibang bagay. Ngunit, may iba naman na nanaisin pa na mas palawigin at diskubrehin ang iba pang mga bagay na kanilang maaari pang matutunan habang sila ay nabubuhay.

Isang Kontrobersyal Na Showbiz Personality, Nabunt1s Nga Ba Ni Dingdong Dantes? Alamin

Kumakalat ngayon sa social media ang balita na nag-uugnay kina Dingdong Dantes at Lindsay de Vera kasunod ng blind item tungkol sa isang sikat na artista na umano’y nabuntis ang isang kontrobersyal na showbiz personality.

Noong una, ang spekulasyon ay nagtuturo kay Robin Padilla at Mocha Uson. Gayunpaman, ang asawa ng aktor na si Mariel Rodriguez-Padilla ay kaagad na ibinasura ang naturang alegasyon laban sa kaniyang asawa. Maging si Mocha ay itinanggi din ang naturang isyu sa pamamagitan ng pag-upload ng kaniyang workout video kung saan makikita ang kaniyang maliit na tiyan.

Matapos nito, may ilang source na nagsasabi na ang naturang showbiz personality ay nasa ‘interesting’ stage umano ng kaniyang buhay kaya hindi ito nagpapakita nitong mga nakaraang buwan.

Isang kaibigan at dating katrabaho ng kontrobersyal na showbiz personality ang na-interview at naitanong kung kailan niya ito huling nakita. Ngunit, maging ito ay hindi din alam ang isasagot dahil totoo nga na matagal tagal na din simula noong huli niyang makita ang naturang aktres. Ayon pa dito, hindi din daw umano ito sumisipot sa ilang mahahalagang okasyon ng kinabibilingan nitong grupo.

Matapos ang balitang ito, naging trending topic naman sa Twitter ang pangalan ni Dingdong Dantes at Lindsay de Vera. Marami ang nagsasabi na ang blind item umano ay tumutuko sa dating magkatrabaho.

May nagsasabi pa na baka umano nagdadalang tao si Lindsay kaya ilang buwan na din itong nananahimik sa showbiz limelight at marahil ang ama ng kaniyang dinadala ay ang aktor na si Dingdong.

Dahil tuloy dito ay maraming netizens ang nagtataka at nagtatanong kung totoo nga ba ang balita na nabuntis ni Dingdong ang aktres.

Gayunpaman, ito ay pinabulaanan naman ng iba pang mga kaibigan ng aktres at sinabi na ito ay fake news.

Samantala, wala pa din namang inilalabas na pahayag ukol dito sina Lindsay at Dingdong.

The post Dingdong Dantes, Isa Ng Ganap Na Liutenant Commander sa Philippine Navy Reserve Force appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments