Ang tyaga, talino at sipag ay isa lamang sa mga puhunan na ating kailangan para matupad ang ating mga pangarap at maging matagumpay sa buhay. Isa mo pa diyan ang pagiging malikhain at madiskarte ng mga Pilipino.
Kaya naman hindi na nakakapagtaka kung bakit karamihan sa ating mga kababayan ay napagtatagumpayan ang kahit na anong hamon ng buhay at mga problema kaya tinamasa ang tagumpay.
Patunay lamang dito ay ang isang estudyante na mula sa Tacloban, Leyte at isa ding Yolanda survivor.
Matatandaan na noong 2013 ay hinagupit ng bagyong Yolanda ang probinsya ng Leyte. At isa sa mga pamilyang naapektuhan ng matinding pins4la ng bagyo ay ang pamilya ni Hillary Diane Andales, isang Grade 12 student.
Paglalahad niya,
“We had to run up to our double-deck bed kasi we didn’t have a second floor.”
Dagdag pa ni Hillary,
“My dad punched the ceiling tapos doon na lang kami sa steel trusses of the roof. We held on to those steel trusses for 7 hours until the storm surge subsided.”
Gayunpaman, malaki pa din ang pasasalamat ni Hillary dahil walang napahamak sa kanilang pamilya. Ang pagsubok din na iyon ang siyang naging daan upang lalong magsumikap si Hillary sa buhay at manalo sa isang kumpetisyon na nilahukan ng 11,000 participants mula sa iba’t ibang parte ng mundo.
Ang pride ng Leyte na si Hillary ang tinanghal na grand prize winner sa libo libong mga lumahok sa international science competition na Breakthrough Junior Challenge.
Si Hillary ay nagkamit ng malaking premyo gamit ang kaniyang proyekto na pinamagatan na “Relativity and the Equivalence of Reference Frames.”
Tinatayang nasa P20 million ang halagang naiuwi ni Hillary kabilang na dito ang scholarship grant at reward sa kaniyang guro at paaralan.
Sa entry ni Hillary, ipinaliwanag niya sa simple ngunit malikhaing paraan ang Theory of Relativity sa tulong ng pick-up truck at cellphone.
Layunin ng nasabing patimpalak na bigyan ng parangal ang mga matatalinong estudyante na kayang ipaliwanag ng mas malinaw at simple ang mga komplikadong bagay sa siyensya.
Saad ni Hillary, “pera” ang tingin niya sa kaniyang oras.
Aniya,
“If I don’t think about my time as money, I spend it mindlessly. Hindi ko siya iniisip na valuable siya when in fact it is a limited resource.”
Dagdag pa ng genius student,
“It’s a good way to look back on my growth.
“When I look at my attempts folder, I see myself as someone who’s not afraid of failure and someone who is going into things, entering into things with the intent to grow, not to win.”
Ayon kay Hillary, na-hook na kaagad siya sa siyensa noong siya ay bata pa dahil sa halip na mga fairy tales ang ikwento ng kaniyang mga maguilang sa kaniya ay puro mga science trivia ang ibinabahagi ng mga ito sa kaniya noong siya ay maliit pa lamang.
Isang Amang Nagsasaka at Namamasada Ng Tricycle, Naitaguyod ang Pagtatapos ng Kaniyang Dalawang Anak na Isang Dentista at Pharmacologist
Ang isang magulang ay ginagawa ang lahat para sa kaniyang anak lalo pa’t kung ito ay para sa kinabukasan. Lahat ng pagsasakripisyo ay kanilang ibinibigay upang matulungan ang mga anak na maabot nila ang kanilang mga pangarap. Kagaya ng isang amang ito na ang tanging hanapbuhay lamang ay ang pagsasaka at pamamasada.
Kaya naman masaya itong ibinahagi ni Marga Santiago Suobiron sa kaniyang social media. Dito ay labis siyang humanga sa naging kasipagan at pagsisikap ng kaniyang ama upang mapagtapos silang dalawa ng kaniyang kapatid sa simula elementarya hanggang kolehiyo. Tanging pagsasaka at pamamasada lamang ang hanapbuhay ng kaniyang ama ngunit napag-aral sila nito sa kolehiyo na may magandang kurso.
Sa post ni Marga, maraming mga netizens ang humanga sa katatagan, pagsisikap at sakripisyo ng kaniyang mga magulang lalo na ng kaniyang ama. Kahit pa na maliit lang kinikita nito bilang isang tricycle driver ay nagagawa pa din nitong masuportahan ang mga pangangailangan nilang magkapatid sa kanilang pag-aaral. Nakapagtapos rin naman ng pag-aaral ang kaniyang ama sa kolehiyo ngunit mas pinili nitong maging magsasaka at tricycle driver dahil gusto ng kanilang ama na nasusubaybayan silang lumalaki at nagkakaisip.
Ayon kay Marga sa kaniyang post na may caption na, “Tulog pa kami nagtatrabaho na papa ko sa farm namin. Umaalis sya ng bahay minsan 4am, minsan 5am. Then pag uwi nya, maliligo tapos hahatid nya kami ng 6am or 7am. After nya hatid, mamamasada sya. Kada kita nya sa pasada nilalagay nya yung titig 5 pesos coins sa ibabaw ng drawer. Iniipon nya.”
Dahil din sa naging pag-iipon ng kaniyang ama ng Php5 coins sa ibabaw ng kanilang drawer dito kinukuha ng kanilang ama ang mga bayarin nila sa school. Nasusuportahan ng kaniyang ama ang bawat pangangailangan nila sa pera katulad na lang kapag humihingi siya ng 500, 1k, 5k, hanggang isang beses ay humingi siya ng 20k pambili ng mga materials niya sa school. Sabi pa ni Marga, hindi daw umaangal ang kaniyang papa sa tuwing malaki ang kinakailangan nilang pera minsan na gastusin sa school. Hanggang sa naka-graduate sila ng kaniyang kapatid sa kursong Dentistry at Pharmacology sa kolehiyo ay namamasada pa rin ang kanilang ama.
Hindi pa rin daw tumitigil sa pamamasada ang kaniyang ama kahit na sila ay mga professionals na. Kaya ganoon na lang ang labis na paghanga niya sa kaniyang ama na simula elementarya sila hanggang ngayon na siya ay isa ng dentista at pharmacist naman ang kaniyang kapatid. At kahit kelan daw ay hindi niya ikinahihiya ang trabaho ng kaniyang ama dahil isa itong marangal na hanapbuhay na malaki ang naitulong sa kanila upang maabot nila ng kaniyang kapatid ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Sabi pa ni Marga,
“Simula nung grade 1 kami hanggang sa tunay na dentista na ako, yung tricycle nayun yung nag hahatid sundo saamin. Nang dahil sa TRICYCLE DRIVER kong tatay nakagraduate ako ng, elementary, highschool, college at naging dentista. Naka graduate ang kapatid ko ng Pharmacy dahil sa tatay kong “TRICYCLE DRIVER LANG” I am not giving all the credits to my father sa panggastos samin sa pag aaral.”
“Nandyan ang mama ko, tita ko, pinsan ko na tumulong dn samin. Pero alam ko yung hirap ng tatay ko kakapamasada. Mainit, maulan, may bagyo o wala, alam ko ang hirap ng isang tricycle driver. Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.”
Isa itong patunay kung gaano nagsasakripisyo ang magulang upang mabigyan lang magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak at matuturing na real life superhero ang ama ni Marga.
The post Estudyante Mula Leyte, Nanalo Ng P20-M Sa Science Competition At Tinalo Ang 11k Na Participants Sa Buong Mundo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments