Looking For Anything Specific?

Huling video na masaya si Mahal kasama si Mura, nagpakilabot sa mga netizens dahil sa iniwan nitong mensahe

Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pamamaalam ng komedyanteng si Mahal. O Noemi Tesorero sa totoong buhay.

Kagabi, August 31, ibinahagi ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang malungkot na balita. Na pumanaw na ang small but terrible comedian.

Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na. Wala pa schedule ng kanyang burol due to COVID restriction,” pahayag sa Facebook ng kaniyang kapatid.

Ikinabigla naman ng entertainment industry ang pagpanaw ni Mahal.

Kasunod nang malungkot na balita, sinariwa naman ng iba’t ibang personalidad at malalapit na kaibigan ng komedyana ang masayang buhay ni Mahal.

Noong Agosto 30, ay nag-post pa ang rumored boyfriend nitong si Mygz Molino ng vlog kung saan makikitang malakas na malakas pa si Mahal habang tawa nang tawa.

Hindi man naging aktibo sa telebisyon kamakailan, naging aktibo naman sa social media si Mahal kung saan pinasok na rin niya ang vlogging.

Kamakailan lang, naging trending ang pagkikita ni Mahal at Mura.

Kung saan nagkamustahan ang dalawa na dating magkatambal sa mga proyekto na pinagsamahan nila.

Emosyonal si Mura dahil aniya ay naantig siya na pinuntahan siya ng kaibigang si Mahal kahit malayo ang kanilang lugar. Ani Mahal, kahit tumanda siya pupuntahan niya pa rin ang kaibigan at papasyalan.

Ngunit napanin ng ilang netizen na tila may pahiwatig na umano si Mahal sa naging mensahe niya para kay Mura.

Ito ay sa parte nang video sa kanyang vlog. “Hanggang sa tumanda ako o uugud-ugod, siyempre pupunta pa rin ako rito. Para kapag may raket iaalok kita, okay! Kapag halimbawa nawala ako sa mundo, mayroon akong kaunting naitulong sa ‘yo,” ang lumuluhang pangako ni Mahal kay Mura.

Sa ngayon wala pang tiyak na detalye kung saan ilalagak ang mga labi ng komedyana.

Video prank ni Mahal para kay Mygz Molino na nahihirapang huminga muling nagviral sa social media

Nagbalik tanaw ang mga netizens sa mga video noon ng namaalam na komedyanteng si Mahal.

Marami ang nagulat at nalungkot sa biglaang pamamaalam ng komedyanteng si Mahal. O Noemi Tesorero sa totoong buhay.

Kagabi, August 31, ibinahagi ng kapatid ni Mahal na si Irene Tesorero ang malungkot na balita. Na pumanaw na ang diminutive comedienne.

Siya ay 46 taong gulang.

Kinumpirma ng nakababata at U.S.-based sister ni Mahal na si Irene Tesorero ang pagpanaw ng kanyang kapatid.

Hindi man naging aktibo sa telebisyon kamakailan, naging aktibo naman sa social media si Mahal kung saan pinasok na rin niya ang vlogging.

Ikinabigla naman ng entertainment industry ang pagpanaw ni Mahal dahil kamakailan nga lamang ay  napanood pa ito sa isang vlog kung saan binisita at tinulungan pa niya ang dating katambal na si Mura.

Kung saan nagkamustahan ang dalawa na dating magkatambal sa mga proyekto na pinagsamahan nila.

Napansin pa nga ng ilang netizen na tila may pahiwatig na umano si Mahal. Sa naging mensahe niya para kay Mura.

Kasunod nang malungkot na balita, sinariwa naman ng iba’t ibang personalidad at malalapit na kaibigan ng komedyana ang masayang buhay niya.

Noong Agosto 30, ay nag-post pa ang rumored boyfriend nitong si Mygz Molino ng vlog. Kung saan makikitang malakas na malakas pa si Mahal habang tawa nang tawa.

Binalikan din ng netizens ang prank video ni Mahal noon kay Mygz. Niloko niya ang Indie actor na hindi umano siya makahinga.

At nais na nitong magpatakbo sa ospital. Makikitang nataranta naman si Mygz sa ginawang ito ni Mahal.

May naglabasan pa ngang maling balita na ito daw umano ay ang huling paghinga ni Mahal. Na taliwas sa totoong pangyayari.

Panoorin dito ang kabuuan ng nasabing video:

The post Huling video na masaya si Mahal kasama si Mura, nagpakilabot sa mga netizens dahil sa iniwan nitong mensahe appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments